9,689 total views
Muling inaanyayahan ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga mananampalataya sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy sa October 14 hanggang 19, 2024 sa Cebu city.
Ayon kay WACOM Asia Director, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalagang magbuklod ang mananampalataya sa diwa ng habag at awa ng Panginoon at maibahagi ito sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan ng pagkalinga at nananamlay ang pananampalataya.
“I invite you all, and we will be honored by your gracious presence and active participation in the forthcoming Asian Apostolic Congress on Mercy. Join us to experience God’s endless mercy and be an instrument of mercy to others,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sinabi ni Bishop Santos na mahalagang maunawaan ng bawat isa ang pagkilos ng habag at awa ng Panginoon lalo na sa kasalukuyang panahon na nahaharap ang tao sa iba’t ibang hamon.
Magsisimula ang ikalimang AACOM sa October 14 sa pamamagitan ng Banal na Misa sa alas kuwatro ng hapon sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu na pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama sina Cebu Archbishop Jose Palma, Bishop Santos at iba pang bisitang obispo at pari sa Pilipinas at mga bansa sa Asya.
Humigit kumulang sa 2, 000 delegado na ang nagpatala sa AACOM kabilang na ang mahigit 100 international delegates kung saan nagpapatuloy pa rin ang registration para sa mga nais dumalo sa natatanging pagtitipon.
Tampok sa ikalimang AACOM ang mga panayam nanakatuon sa temang Divine Mercy: Pilgrimage of Hope in Asia’ nina Malolos Bishop Dennis Villarojo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Fr. Chris Alar, MIC, Fr. Patrice Chocholski, Fr. Kazimierz Chwalek, at maging si dating Supreme Court Justice Hilario Davide.
Magtatapos naman ang AACOM sa October 19 sa isang foot procession sa alas tres ng madaling araw mula sa harapan ng Cebu Provincial capitol na susundan ng closing mass sa alas sais ng umaga sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.
Sa mga nais dumalo at makiisa sa AACOM na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu City makipag-ugnayan lamang kay Rev. Fr. Andrei Ventanilla +639438494111, Divine Mercy Archdiocese of Cebu Office – 346-5442, Sis Imma Alfon – (0917) 594-3002, Sis Liza Rago – (0915) 905-0575, Kathrina Buletin +639957662168, at Jinnie Pahuriray +639562718128.
Maari ring mag email sa [email protected] o i-click ang registration link https://bit.ly/5thAACOMRegistrationForms o i-scan ang QR code para sa makapagpapatala.