200 total views
Extra-judicial killing sa mga drug suspect, kinondena ng Obispo.
Mariing kinukondena ng isang Mindanao Bishops ang nangyayaring extra-judicial killing sa mga pinaghihinalaang drug users at drug pushers.
Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, karapatan ng lahat ng suspek at naaayon sa batas na isailalim sila tamang proseso ng paghuli at paglilitis ng maayos sa korte.
Kaugnay nito, inihayag ni Bishop Bagaforo na sinusuportahan niya ang mungkahi ng ilang Senador na imbestigahan ng Senado ang “out of control killing sa mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga na nangyayari sa bansa.
“I condemned extra judicial killings of suspected drug users & pushers. Every suspect is entitled for a day in court! I support Senator De Lima’s plan to have senate hearing to investigate this “out of control” killings.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas
Ayon sa datos ng Philippine National Police, tumaaas ng 200-percent o mahigit 100 na ang bilang ng mga napapatay na drug users at pushers mula ng ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out-war sa paglaganap ng droga sa bansa.
Sa inilabas na pag-aaral ng P-N-P, 70-porsiyento ng krimen na nangyayayri sa bansa ay may kaugnayan sa paggamit ng illegal na droga.