Simbahan,suportado ang pagiging anti-mining ng kalihim ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Nagpahayag ng suporta si Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Regina Lopez, kasunod ng pahayag nitong pipigilan ang pagbubukas ng Tampakan mines sa South Cotabato.

Sa ulat nakahandang harapin ni Lopez maging ang kapwa nito kalihim, na si Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, isa sa mga part owner ng Sagittarius Mining Inc.

Dahil dito, nanindigan si Bp. Gutierrez na ipagtatanggol ng simbahang katolika ang kalikasan at susuportahan ang adhikain ni Lopez para sa ikabubuti ng nakararami.

“We will support her all the way, until the end of time,” ang pahayag ni Bp. Gutierrez sa Radyo Veritas.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Bp. Gutierrez sa mga mining companies, na sa disyerto na lamang mag mina, upang hindi ito makapinsala sa mga lokal na komunidad at sa watershed ng mga kabundukan.

“I am telling them, do not mine in areas, number one which is watershed, number two, where there are so many people especially indigenous people. Perhaps you could mine in desert, where there are no trees, no people. Dun nalang kayo mag mina!” dagdag pa ng Obispo.

Ang Tampakan sa South Cotabato ay itinuturing na isa sa pinaka malaking lugar na may undeveloped copper-gold deposits.
Tinatayang aabot sa 2.94 billion tons ang taglay nitong mineral resource kung saan halos 15 million tons dito ay copper at 18 million ounces naman ang ginto.

Ang tampakan mines naman na bubuksan ng Sagittarius Mines Inc. ay tinatayang makakapag prodyus ng 375,000 toneladang copper at 360,000 ounces ng ginto kada taon sa initial mine-life nitong 17 taon.

Sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang hindi makatarungang operasyon ng pagmimina na isinasagawa ng mga mayayamang bansa sa mga bansa ng nabibilang sa third world countries tulad ng Pilipinas.

Nasasaad sa Laudato Si na pagkatapos ng kanilang mga aktibidad, sa kanilang paglisan ay nag iiwan sila ng malalaking pasanin sa mga tao at sa kalikasan tulad ng kawalan ng trabaho, mga bayang inabandona, pagkaubos ng likas na pagkukunan, pagkakalbo ng kagubatan, pagkalugi ng agrikultura at paghahayupang lokal, mga bukas na hukay, uka-ukang burol, maruruming ilog at maliliit na serbisyong panlipunan na hindi na maaaring mapagpatuloy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,574 total reads

 59,574 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,642 total reads

 138,642 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,087 total reads

 172,087 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,385 total reads

 207,385 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,492 total reads

 431,492 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,860 total reads

 37,860 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,748 total reads

 30,748 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top