Paglaganap ng ilegal na droga sa bansa, kapabayaan ng Aquino administration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 595 total views

Resulta ng kapabayaan at pagsasawalang bahala ng mga nagdaang administrasyon ang paglaganap ng iligal na droga at krimen sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Dante Jimenez – founding Chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kung kaya’t malaki ang bilang ng mga nahuhuli at kusang sumusukong drug users at dealers sa kasalukuyan.

Sa kabila nito, nanawagan rin si Jimenez na dapat pa ring maging mapagbantay ang mga mamamayan sa maaaring pang-aabuso maging ng mga otoridad.

“Alam niyo kasalanan ito ng mga past administrations na mga presidente, kaya lumago, dumami ang mga illegal drugs trading, kaya napaka-swerte natin suportahan po natin si Presidente Duterte mismo but of course, atin din pong bantayan at maging vigilant din tayo lalo na pagkat ito po ay nagkakaroon po ng mga pang-aabuso pwede naman po yan isumbong sa mga authorities…” pahayag ni Jimenez sa panayam sa Radio Veritas.

Giit ni Jimenez, maaring hindi tuluyang lumaganap ang bentahan at paggamit ng illegal na droga sa bansa na itinuturo ng pangunahing dahilan sa pagtaas ng bilang ng krimen sa lipunan kung agad lamang itong tinutukan at inaksyunan ng mga nakaraang administrasyon.

Batay sa pinakahuling tala ng PNP, umaabot na sa higit 18-libo ang naaresto dahil sa ilegal na droga, higit 6 na libong indibidwal ang kusang sumuko habang umaabot na sa higit 100 ang kaso ng drug-related killings matapos ang pambansang halalan noong buwan ng Mayo.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika ang sinasabing gawain lalo na at sinisentensiyahan ng kamatayan ang mga indibidwal na nagkasala ng hindi dumaraan sa tama at legal na proseso na isang paglabag sa kanilang dignidad at karapatan na mabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 34,533 total views

 34,533 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 58,849 total views

 58,849 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 94,639 total views

 94,639 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 135,766 total views

 135,766 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 186,716 total views

 186,716 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top