Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Filipino priests, may special audience kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

 1,269 total views

Kinasasabikan ng mga paring Pilipino sa Roma ang kanilang unang personal na pagkikita kay Pope Leo XIV, ang ika-267 na Santo Papa ng simbahan, sa darating na Hunyo 12.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino, isang espesyal na “audience” ang inihanda kung saan makakaharap mismo ng mga pari si Pope Leo sa Vatican.

“Kami medyo excited na rin. Excited na excited. Hindi lang medyo sapagkat magkakaroon na kami ng audience. Mamimeet na rin namin ang Santo Papa, si Pope Leo bilang mga pari na naka-assign sa Roma,” ani Fr. Gaston.

Aabot sa 51 Pilipinong pari at 5 dayuhang pari na kasalukuyang naninirahan sa Collegio ang inaasahang dadalo sa naturang pagtitipon.

Ang Pontificio Collegio Filippino ay isang institusyong matatagpuan sa Roma kung saan naninirahan at nagsasanay ang mga piling mga pari mula sa Pilipinas upang mag-aral ng mas mataas na kurso tungkol sa simbahan, tulad ng teolohiya, at batas ng simbahan.

“Yung ating 51 Filipino priests, yung ating 5 non-Filipino priests na kasama sa Collegio Filipino ay mamimeet yung ating Santo Papa itong June 12.”

Kamakailan lamang naihalal si Pope Leo bilang bagong pinuno ng Simbahang Katolika. Pagkatapos ng kanyang eleksyon, agad siyang nagsimula sa kanyang gawain bilang Santo Papa—kabilang na ang pakikipagpulong sa media at iba’t ibang grupo sa Vatican.

Ang pagkikitang ito ay hindi lang simpleng pagbisita. Isa rin itong mahalagang sandali para sa mga paring Pilipino na matagal nang nagsisikap sa kanilang pag-aaral at misyon sa Roma

Ang audience kay Pope Leo ay inaasahang magpapatibay sa kanilang pananampalataya at magbibigay-lakas sa kanilang layunin bilang mga pari—hindi lang sa Roma, kundi sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin naman natin sila

 6,175 total views

 6,175 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 23,057 total views

 23,057 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 34,540 total views

 34,540 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 50,208 total views

 50,208 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 50,811 total views

 50,811 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top