Foam party sa Bohol, itinuring ng Diocese of Tagbilaran na hindi makatao

SHARE THE TRUTH

 539 total views

Mariing kinundena ng Diyosesis ng Tagbilaran ang pagturing sa mga kababaihan bilang isang bagay sa halip na taong bigyan ng dignidad.

Ito ang pagninilay ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa kontrobersyal na ‘foam party’ na naganap sa isang pribadong resort sa Panglao, Bohol.

Ayon sa Obispo, hindi makatarungan ang paggamit sa kababaihan na nagbibigay lamang ng aliw sa publiko.

“Doing a foam party with topless women as entertainers is wrong because here women are treated as objects, no longer as subjects or as fellow human beings,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Ika-5 ng Marso nang maganap ang foam party sa Amanzara Resort kung saan kumakalat ang video footage ng isang babae na walang saplot pang-itaas.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan ng Panglao sa insidente lalo’t makikita sa video ang siksikan ng mga tao sa resort at hindi nasunod ang safety health protocol na physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield.

Pinagpaliwanag ng L-G-U ang pamunuan ng resort na maaring maharap sa parusa dahil sa paglabag sa ordinansa hinggil sa safety protocol.

Iginiit ni Bishop Uy na hindi makatao ang naturang insidente na tila pambabastos sektor ng kababaihan habang ginugunita ang Womens Month.

“And to do such thing during a time when we are celebrating International Women’s Month, when we are supposed to honor our mothers, sisters, aunties, and nieces, makes it more inhuman, unchristian and reprehensible,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Unang sinabi ni Borongan Bishop Crispin Varquez ng Episcopal Office on Women ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat igalang, bigyang dignidad at palakasin ang sektor ng kababaihan at hindi ituring na isang bagay lamang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,558 total views

 21,558 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,971 total views

 38,971 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,615 total views

 53,615 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,457 total views

 67,457 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,537 total views

 80,537 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Disaster News
Norman Dequia

Sa digmaan, lahat ay talunan

 1,497 total views

 1,497 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top