1,112 total views
Ang pang-aabuso sa mga kababaihan sa buong mundo ang isang uri ng pandemya na dapat mawakasan.
Ito ang panawagan ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa paggunita ng International Women’s Month ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa Obispo, bilang isang bansa na kilala sa pagiging mapagmahal, magalang at maka-Diyos ay mahalagang maipamalas sa lahat ng sektor ang pagpapahalaga sa mga kababaihan tulad ng panawagan ng Santo Papa Francisco.
Sinabi ni Bishop Bagaforo na mahalagang magsimula sa tahanan ang pagbibigay halaga sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang presensya at mahalagang ambag sa lipunan at buhay ng bawat isa.
“As a nation we have always branded ourselves to be malambing, mapagmahal, at marespeto we have to live up to such identity. Pope Francis said ‘honor the dignity of women for a better world’. As we publicly celebrate again this year the triumphs, gains and milestones of Filipinas and all women in the world, may we show them respect, thoughtfulness and importance in the privacy of our homes, when it is only up to us to recognize and value their presence, their contribution and their being.”mensahe ni Bishop Bagaforo.
Batay sa tala ng United Nations Population Fund, tumaas ng 20-porsyento ang naitalang domestic violence sa mga kababaihan sa buong daigdig.
Samantala sa datos naman ng Philippine Statistics Authority, isa sa bawat apat na kasal na Filipina ang nakaranas ng pang-aabuso o karahasan isang beses sa kanilang buhay.
“Globally the United Nations Population Fund recorded a 20% increase in domestic violence. According to the Philippine Statistics Authority, 1 in every 4 married Filipina women have experienced violence at least once in their lives, this is the type of pandemic that must stop now.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Taong 1988 nang ideklara ang National Women’s Month sa Pilipinas habang idineklara naman ang ika-8 ng Marso bilang National Women’s Day sa pangunguna ng Philippine Commission on Women.