Funeral mass, hindi maaring ipagpaliban.

SHARE THE TRUTH

 368 total views

Mahigpit na ipinatutupad ng Diyosesis ng Marinduque ang mga safety protocols na inilabas ng Department of Health upang mapanatili ang kalusugan ng mamamayan.

Kaugnay dito tiniyak ni Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. na patuloy ang simbahan sa pagbibigay ng mga sakramento at iba pang gawaing espiritwal sa mananampalataya sa kabila ng banta ng corona virus disease pandemic.

Partikular na nilinaw ng obispo na patuloy pa rin ang pagmimisa sa mga yumao ngunit nililimitahan ang mga dadalo kung saan kung maari ay bukod tanging pamilya lamang upang maipatupad ang social distancing bilang pag-iingat.

“Kami po ay may funeral masses, required lang na family lang ang present sa misa kung sa bahay or chapel gagawin,” mensahe ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Ito ay paglilinaw bilang nagpatupad ang simbahan ng Pilipinas ng pansamantalang pagkansela sa mga gawaing simbahan upang maiwasan ang malaking pagtitipon ayon na rin sa abiso ng pamahalaan.

Sa mga gawaing simbahan, ang pagmimisa sa mga yumao ang hindi maaring ipagpaliban kaya’t patuloy ang pagtanggap ng mga simbahan ng funeral masses kaakibat sa wastong pagsunod ng mga alituntuning pangkalusugan.

Ayon kay Bishop Maralit mahigpit na ipinatutupad sa diyosesis ang social distancing upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa at mapigilan ang paglaganap ng virus na sa kasalukuyang tala ay mahigit sa 500 ang nagtataglay sa Pilipinas habang 20 naman dito ang gumaling na mula sa karamdaman.

Dagdag pa ng obispo maaring sa parokya isasagawa ang pagmimisa sa mga yumao bago ihatid sa huling hantungan ngunit nakadepende ito sa pamilya kung makakukuha ng kaukulang permiso na makapagbiyahe sapagkat mahigpit din ang pagsunod sa enhanced community quarantine. Dahil dito pinaalalahanan ni Bishop Maralit ang mga pari na sundin ang wastong pangangalaga ng katawan bilang pagprotekta sa bawat sarili.

“Priests must strictly follow all protocols for self-sanitation and hygiene,” saad ni Bishop Maralit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,417 total views

 14,417 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,937 total views

 31,937 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,513 total views

 85,513 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,753 total views

 102,753 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,242 total views

 117,242 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,822 total views

 21,822 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 26,124 total views

 26,124 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top