Simbahan, nagpasalamat sa pagtugon ng mga negosyante sa mga maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 820 total reads

March 26, 2020-11:59am

Nagpasalamat ang Archdiocese of Manila sa lahat ng nakiisa sa pamamahagi ng tulong sa mga maralitang taga-lungsod na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sinabi nitong magandang inisyatibo ang ginawa ng mga mamumuhunan upang tulungan ang mga dukha at walang kinikita dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine.

“Kami po sa Archdiocese of Manila ay nagpapasalamat sa grupo ng mga businessmen; ito ay napakagandang inisyatiba na ginawa ng mga business people para po sa mga mahihirap lalong lalo na po yung mga nasa extreme poverty,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Nakipagtulungan ang grupo ng mga negosyante sa Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis upang magpaabot ng tulong sa mga mahihirap sa kalakhang Maynila na lubos apektado sa krisis na idinudulot ng Corona Virus Disease pandemic.

Ang mga mamumuunan na bahagi ng Philippine Disaster Resilience Foundation ay nagllunsad ng Project Ugnayan kung saan nakalikom ng 1.5 bilyong piso para maipamamahagi sa isang milyong pamilya sa National Capital Region.

Sa bahagi naman ng simbahan katuwang ng Caritas Manila ang mga parokya sa paghahanap ng mga benepisyaryong pamilya na karapatdapat na tumanggap ng tulong

“Ang simbahan naman ang Caritas Manila sa kanyang programang Project Damayan na sa pamamagitan ng networks ng mga parokya na nag – identify po ng mga mahihirap na bibigyan ng gift checks na ito,” dagdag ng obispo.

Batay sa pahayag ng Project Ugnayan P1,000 halaga ng gift certificate ang ipamimigay na maaring gamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya tulad ng pagkain sa pinakamalapit na grocery store.

Kabilang sa kaisa sa programa katuwang ang simbahang katolika ang Aboitiz Group, ABS-CBN/Lopez Group, Alliance Global/Megaworld, AY Foundation and RCBC, Ayala Corporation, Caritas Manila, Century Pacific, Concepcion Industrial Corp, DMCI, Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, ICTSI, Jollibee, Leonio Group, Mercury Drug, Metrobank/GT Capital, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group PDRF, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, San Miguel Corporation, and SM/BDO, Sunlife of Canada, Suyen Corp.

Umaasa si Bishop Pabillo na mas paigtingin ang pagkakawanggawa ng mamamayan sa gitna ng krisis ng pandemic COVID 19 upang mabigyang ayuda ang mga mahihirap.

“Sana po patuloy tayong magtulungan sa ganitong klaseng mga project kasi maraming pong mahihirap ang naapektuhan nitong lockdown,” saad pa ni Bishop Pabillo.

Nagsagawa rin ng mga relief efforts ang iba’t ibang parokya o #ChurchInAction sa bansa lalu sa NCR upang lingapin at ipadama ang tunay na diwa ng simbahang katolika na kumakalinga sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,084 total reads

 12,084 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,370 total reads

 49,370 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,640 total reads

 275,640 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,107 total reads

 169,107 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,539 total reads

 262,539 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top