Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa Banal na oras para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 4,559 total views

March 26, 2020-12:11pm

Inaanyayahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na makiisa sa gaganapin na Earth Hour 2020 ngayong ika-28 ng Marso, Sabado, sa ganap na 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Sa Pastoral Instruction na pinamagatang “Let us not put aside care for Mother Earth”, umaasa ang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila na sa kabila ng enhanced community quaratine bunsod ng coronavirus disease ay makapagnilay ang mga tao upang makita muli ang uri ng pamumuhay na makabubuti sa Inang kalikasan.

“This great concern on the coronavirus, however, may cloud our mind from other important matters that should call our constant attention. I speak most specifically of our care for Mother Earth, our common home. The global damage that COVID 19 does should make concrete to us the global destruction that will come upon us if we do not care for our common home… To home in on us our responsibility to the environment, providentially we have EARTH HOUR this year on Saturday, March 28. In the Philippines this year we will be turning off the light from 8:30 pm to 9:30 pm.”

Inaasahan rin ng Obispo na mas mararamdaman ngayon ng mga Filipino ang diwa at adbokasiya ng Earth Hour dahil ang lahat ay nananatili sa kanilang tahanan.

Matatandaang sa pinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Lunzon, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mass transportation at hinihikayat ang lahat na manatili sa kanilang tahanan.

Bukod dito, sarado rin ang mga pabrika at ilang establisyemento dahilan upang mabawasan ang polusyon sa kalakhang Maynila.

Una nang binigyang diin Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos ang pangangalaga sa kalikasan sa kabila ng mga nararanasang pandemya ng mundo.

Ayon sa Obispo, sa katahimikan bunsod ng paglalagi sa ating tahanan ay nawa maintindihan natin na nangungusap ang Panginoon na pangalagaan ang mundo na siyang ating iisang tahanan.

Ang Earth Hour ay inisyatibo ng grupong World Wide Fund for Nature – isang international non-government organization na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan kung saan isa sa mga media partner nito ay ang Radio Veritas.

Mula naman sa malakihang aktibidad, ipagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng Social Media ang Earth Hour 2020.

Tema ngayong taon ang #ChangeTheEnding na naglalayong hikayatin ang mga Filipino na gumawa ng mga hakbang para solusyunan ang kasalukuyang problema sa kalikasan.

Binibigyang diin din nito na bagama’t malaki na ang epekto ng mga makamundong gawain sa pagkasira ng kalikasan ay hindi pa rin huli para kumilos at baguhin ito.

Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney Australia, at 2008 naman nang ilunsad ito sa Pilipinas.

Noong 2019 mahigit 17,900 mga institusyon at establisyimento kabilang na ang mga simbahan mula sa 188 mga bansa ang nakiisa sa pagpatay ng kuryente.

Hinihikayat ng grupo ang mga Filipino na makiisa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga online content at gamitin ang mga hashtags na #EarthHour2020, #Connect2Earth at #ChangeTheEnding.

Nakatakda namang makibahagi ang Radyo Veritas sa Earth Hour sa pamamagitan ng special programming na pangungunahan ni Bishop Broderick Pabillo at Fr. Benny Tuazon, ang Executive Director ng Archdiocese of Manila Ministry on Ecology ganap na 8pm – 10pm ng gabi ngayong Sabado, ika-28 ng Marso.

Ang pagpapatay ng kuryente ngayong Sabado ay sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Culture Of Waste

 6,145 total views

 6,145 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 14,162 total views

 14,162 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 20,622 total views

 20,622 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 26,099 total views

 26,099 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »

Higit sa simpleng selebrasyon

 36,116 total views

 36,116 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Pag-alis sa appointing power ng Pangulo sa independent constitutional commission, iminungkahi

 3,323 total views

 3,323 total views Pagtatanggal sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng mga opisyal sa independent institutions sa pamahalaan ang isa sa nakikitang solusyon ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan o ANIM Coalition na nagsusulong at tutumutol sa pag-iral ng political dynasty, korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Ayon kay ANIM Lead Lawyer Attorney Alex Lacson sa panayam ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 68,925 total views

 68,925 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 84,930 total views

 84,930 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 84,937 total views

 84,937 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 88,150 total views

 88,150 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 83,728 total views

 83,728 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 83,914 total views

 83,914 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 108,800 total views

 108,800 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 83,711 total views

 83,711 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Health
Veritas Team

Eksperto, nagbabala sa epekto ng ‘monkeypox’

 45,677 total views

 45,677 total views Binigyang linaw ng mga eksperto na malaki ang kaibahan ng hawaan, sintomas, at epekto ng ‘monkeypox’ sa COVID-19. Aminado si Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force against COVID-19, na mababa lang ang tiyansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng may monkeypox kumpara sa COVID-19. Gayunman, nagbabala ang eksperto na maari ring

Read More »
Disaster News
Veritas Team

80K na pamilya, apektado ng lindol sa Northern Luzon

 52,105 total views

 52,105 total views Umaabot na sa mahigit P400-milyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at mga imprastratura ng naganap na lindol sa Northern Luzon. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, mahigit sa P13-M halaga na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang P4.5M ang napinsala sa mga

Read More »
Latest News
Veritas Team

Teachers Dignity Coalition, hiniling sa DepEd na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase

 45,542 total views

 45,542 total views Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa inilatag na school calendar sa papasok na taong-panuruan ng Department of Education sa ilalim ng bagong administrasyon. Ayon kay TDC chairperson Benjo Basas, ang planong pagbubukas ng klase sa August 22 ay hindi sapat para magkaroon ng pahinga ang mga guro mula sa katatapos lang na school-year.

Read More »
Environment
Veritas Team

Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan

 50,043 total views

 50,043 total views Nanawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue. Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ – Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 67,466 total views

 67,466 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 66,550 total views

 66,550 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top