Gamitin ang biyayang ipinagkaloob ng Diyos, paanyaya ni Archbishop Uy sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,058 total views

Binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa pagdiriwang ng kapistahan ni St. John Paul II na ang paanyaya ng Panginoon ay maging handa sa lahat ng pagkakataon.

Sa kanyang homiliya, hinimok ng arsobispo ang mga mananampalataya na tularan ang pagiging tapat na lingkod ng Diyos ni St. John Paul II, isang santo na ginamit ang kanyang talino, tapang, at pananampalataya upang ipagtanggol ang buhay, ibahagi ang pananampalataya, at maglingkod nang may pagmamahal sa kabila ng pagdurusa.

“God doesn’t expect perfection. He expects faithfulness. When He returns, may He find us busy doing good, not asleep in comfort, not hiding our gifts, but using them in service and love,” ayon kay Archbishop Uy.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang bawat biyayang ipinagkaloob ng Diyos tulad ng buhay, talento, at pananampalataya, ay may kaakibat na tungkulin.
Aniya, tulad ni St. John Paul II, dapat gamitin ng tao ang mga kaloob na ito para sa kapwa at sa simbahan.

Bilang Santo Papa, binigyang-diin ni John Paul II ang kahalagahan ng buhay sa kanyang ensiklikal na Evangelium Vitae o “The Gospel of Life.”

Paalala ni Archbishop Uy: “The first mark of a good steward: to protect life. If we value life, our own and others’, we are already living the Gospel.”

Dagdag pa ng arsobispo, si St. John Paul II ay nagbigay inspirasyon din sa kabataan sa pamamagitan ng World Youth Day at sa kanyang panawagang “Do not be afraid! Open wide the doors to Christ!” Pinangunahan din ng santo ang New Evangelization na isang panibagong pamamaraan ng pagbabahagi ng pananampalataya nang may kagalakan at pagkamalikhain.

“He also started the New Evangelization. A way of sharing our faith not with fear, but with joy and creativity. The Church must preach the same Gospel, but in a new way, with new energy, new methods, and new hearts,” dagdag ni Archbishop Uy.

Bilang hamon, hinikayat ng arsobispo ang bawat mananampalataya na magsimula sa sariling pamilya at komunidad sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo upang makamit ang isang tapat, mapayapa, at nagkakaisang lipunan.

“If we want a better Church, a better family, a better world, it starts today. It starts with you and me, being faithful stewards of what God has entrusted to us,” pagtatapos ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 176,424 total views

 176,424 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 198,534 total views

 198,534 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 270,616 total views

 270,616 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 260,498 total views

 260,498 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top