Gamitin ang oras sa makabuluhang gawain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383 total views

Pinaalalahanan ng Obispo ng Cubao ang mga nalulong sa larong “POKEMON GO” na pahalagahan ang kanilang oras sa mga kapaki – pakinabang na bagay.

Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, nararapat na makita ng mga kabataan at mga manggagawa ang importansya ng kanilang oras lalo na kung nailalaan lamang ito sa walang kwentang bagay.

Sinabi pa ni Bishop Ongtioco na maaring makasira ang larong POKEMON GO at iba pang computer at cellphone games sa kalusugan, pamilya at higit sa lahat ay relasyon lalo na sa pakikipag – kapwa tao.

“Maraming consequence itong mga addict kung papaano yung mga addict sa illegal drugs, sa mga games pwedeng makasira ng health, pamilya, relationship… Kaya itong modern technology itong mga games mag – ingat tayo na sana hindi masira itong mahalaga ang oras ng tao, gamitin sa tamang panahon. Again sa tamang mga activities para umunlad ang ating pagkatao,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Veritas Patrol.

Nagmungkahi naman ng ibang libangan ang obispo sa mga nalululong sa ganitong laro na gugulin ang kanilang oras sa mga recreation na magpapa – unlad sa kanilang pagkatao.

“To create is to recreate once again ourselves ang ating sarili. Recreate, recreation parang dahil sa pagod medyo nabibigatan ang tao to recreate again to make wholesome yung kanyang kaisipan, yung kanyang damdamin, yung kanyang pagkatao,” giit pa ni Bishop Ongtioco sa Radyo Veritas.

Mababatid na nauna ng inilunsad kamakailan sa Pilipinas ang POKEMON GO na agad namang tinangkilik ng mahigit 100 milyong Pilipino.

Ngunit una na rin itong inilabas sa bansang Australia, New Zealand, Estados Unidos at Japan.

Nanindigan naman ang Simbahan na mahalaga ang paggamit ng makabagong teknolohiya lalo bilang instrumento ng pagpapahayag ng Mabuting Balita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 41,565 total views

 41,565 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 41,565 total views

 41,565 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 41,565 total views

 41,565 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 40,223 total views

 40,223 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 36,677 total views

 36,677 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 193,235 total views

 193,235 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top