Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tunay na pagkakapatiran at pagkakaisa, ipinamalas sa World Youth Day

SHARE THE TRUTH

 299 total views

Tunay na pagkakaisa at pagkakapatiran ng bawat mamamayan.

Ito ayon kay Bangued, Abra Bishop Leopoldo Jaucian – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Youth ang ipinamalas ng bawat kabataan mula sa iba’t ibang bansa na nakilahok sa World Youth Day sa Krakow Poland na dapat pamarisan at gawing huwaran ng bawat isa.

Paliwanag ng Obipo, dapat na gamiting huwaran ng mga Filipinong kabataang nakadalo sa pagtitipon ang lahat ng kanilang nasaksihan at naranasan na malaki ang maiaambag sa pagbabagong hinahangad ng mga mamamayan para sa bayan.

“Ang pinakamalaking witness ng World Youth Day ay ang brotherhood fraternity ng mga kabataan nanggaling sa bawat lupalop sa mundo nagkakaisa at ito ang bigkis nila para ipakita na huwag silang matakot at ang pagmamahal ng Panginoong Hesus ang manaig sa lahat, so malaking pwersa ang ipinadama ng mga kabataan ng buong mundo…” pahayag ni Bishop Leopoldo Jaucian sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nga nito, tinatayang aabot sa 1.5-milyong delagado mula sa iba’t ibang bansa ang nakibahagi sa naganap na World Youth Day sa Krakow, Poland kung saan naitala naman sa Pilipinas noong 1995 World Youth Day Closing Mass ang World Record na Largest Number of People Gathered for a Single Religious Event na umabot sa 5-million indibidwal.

Samantala, inaasahan naman isasagawa ang susunod na World Youth Day sa Panama sa taong 2019 na may tinatayang aabot sa 2.7-milyong Katoliko mula sa higit 3-milyong bilang ng populasyon sa naturang bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,661 total views

 17,661 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,749 total views

 33,749 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,469 total views

 71,469 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,420 total views

 82,420 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,004 total views

 26,004 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 15,242 total views

 15,242 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top