395 total views
Kapanalig, ang pamilya ay batayang yunit ng ating lipunan. Ang lakas ng ating lipunan ay nakasalalay sa lakas ng ating mga pamilya.
Sa ating pananalig, ang pamilya napakahalaga. Ayon nga sa Centisimus Annus, ang una at pinaka-pundamental na struktura ng ekolohiya ng sangkatauhan ay ang pamilya na binubuo ng sakaramento ng kasal, kung saan buong puso at lubos na binibigay ng mga mag-esposo ang kanilang buhay sa isa’t isa na nagbubunga ng supling. Ang pamilya ay isang “environment” kung saan naisusulong ng bata ang kanyang kaganapan bilang tao, nalalaman niya ang kanyang angking dignidad, at nakakapaghanda para sa kanyang natatanging kapalaran at misyon.
Ang sakramento ng kasal, kapanalig, para sa ating mga kristyanong katoliko ay sagrado. Base nga as Love in the Family o Amor Laetitia ni Pope Francis, “The word of God tells us that the family is entrusted to a man, a woman and their children, so that they may become a communion of persons in the image of the union of the Father, the Son and the Holy Spirit. Begetting and raising children, for its part, mirrors God’s creative work.”
Habang lumilipas ang panahon, kapanalig, ang atin bang pagtingin sa kasal at pamilya ay bumaba na? Nawawala na rin ba ang saya at pag-ibig sa kasal at pamilya ngayon?
Base sa opisyal na datos, mas lumiliit na ang bilang, kapanalig, ng mga nagpapakasal sa ating bansa ngayon. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa loob ng sampung taon, bumaba ng 17% ang mga kinakasal mula 2005 hanggang 2014. 518,585 ang mga kinasal noong 2005 at naging 429,723 in 2014. Base din sa datos, 3% ang binaba ng mga bilang ng nakasal noong 2014 kumpara noong 2013.
Habang bumababa ang bilang ng kasal, tumataas naman ang bilang ng live-in relationships. Kung babalikan natin ang mga datos noong mga nakaraang taon, makikita natin na noong 2008, 11 sa 100 Filipino edad 15 hanggang 49 years old ay nakikipag-live sa kanilang mga partners kumpara lima lamang sa 100 noong 1993. Base naman sa Young Adult and Fertility Survey 2013, tumaas ang bilang ng youth live-in relationships mula 5.9% noong 2002 tungo sa 13.8% noong 2013.
Ang mga datos na ito ay hindi lamang numero. May mensahe ito sa ating lahat. Bilang isang pamilya, kailangan nating balikan ang ating mga values o pinahahalagahan. Ang ating bumababang persepsyon sa kasal at pamilya ay atin nang naipasa sa sumunod na henerasyon. Kailangan nating mabawi ang kahalagahan ng kasal at pamilya sa ating lipunan. Ayon nga kay Pope Francis: Today, everyone knows it, the family is in crisis, it is a global crisis. Young people don’t want to marry, or they don’t marry but live together. Marriage is in crisis and so too the family.”
Kapanalig, ayon sa “Joy in Love:” The great values of marriage and the Christian family correspond to a yearning that is part and parcel of human existence. Nawa’y palakasin natin ang tunay na esensya ng pag-ibig, kasal at pamilya, dahil dito magmumula ang ating lakas at inspirasyon upang harapin ang ating mga sarili ngunit magkaka-ugnay na misyon.