Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gamitin ang Social Media sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

 334 total views

Ito ang hamon ni Diocese of Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communications sa iba pang mga lingkod ng Simbahan kaugnay sa pagiging daluyan ng Social Media ng Ebanghelisasyon.

Ayon sa Obispo, dapat na ituring na hamon ng mga Obispo, Pari, Madre at mga Layko ang paggamit sa Social Media sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita upang mas mailapit ang mga mamamayan lalong lalo na ang mga kabataan sa Panginoon.

“Dapat makita natin papano natin gagamitin ang Social Media para ipalaganap ang Mabuting Balita ni Kristo lalong lalo na ang Social Media ay in na in sa halos lahat ng kabataan ngayon kaya hinahamon ko ang lahat ng mga Obispo, mga Pari, Madre, mga Layko pati ng bawat miyembro ng pamilya na gamitin ang Social Media para ipalaganap ang Mabuting Balita, to share the Good News…” pahayag ni Bishop Vergara sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet, sinasabing mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng Internet para ipahayag ang misyon ng Panginoon.

Matatandaang, lumabas sa Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social na nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa.

Malaking porsiyento nito ay may social media account na ginagamit para magpost at magshare ng mga impormasyon.

Naunang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluhang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkomunikasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 36,880 total views

 36,880 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 53,977 total views

 53,977 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 68,209 total views

 68,209 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 83,967 total views

 83,967 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 102,466 total views

 102,466 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 14,300 total views

 14,300 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

One Godly Vote-CARE, inilunsad

 13,675 total views

 13,675 total views Inilunsad ng Radyo Veritas ang One Godly Vote – Catholic Advocates for Responsible Electorate campaign sa EDSA Shrine, Quezon City. Layunin nitong bigyan

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top