One Godly Vote-CARE, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,250 total reads

Inilunsad ng Radyo Veritas ang One Godly Vote – Catholic Advocates for Responsible Electorate campaign sa EDSA Shrine, Quezon City. Layunin nitong bigyan ng sapat na kaalaman at wastong gabay ang publiko sa tamang pagboto, lalo na’t papalapit na ang Presidential election sa taong 2028.

Dumalo sa paglulunsad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang parokya sa Archdiocese of Manila na magiging katuwang ng simbahan sa voter’s education campaign.

Tampok naman sa talakayan sina Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, Fr. Vic Sadaya, at Atty. John Castriciones.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Fr. Pascual na ang pinakamalaking “disaster” na kinahaharap ng bansa ay hindi bagyo, lindol, o pandemya, kundi ang matinding kahirapan na araw-araw na pinapasan ng mga Pilipino.

“Kaya’t mahalaga na tayo po ay mag-usap at makinig sa isa’t isa. Kung gusto nating baguhin ang ating bansa sa pamamagitan ng mabuting pamamahala—good governance—simulan na po natin ngayon, huwag na nating hintayin ang 2028. Ang bagyo, tatlong araw lang; ang lindol, ilang segundo lang; kahit COVID, ilang taon lamang. Pero ang kahirapan, araw-araw. Kaya’t nararapat lamang na ang pamahalaang ating ibinoto ay lagi ring naroroon upang tugunan ito,” ani Fr. Pascual.

Ipinahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Affairs, ang kanyang pag-asa na magiging matagumpay ang kampanyang ito at maghahatid ng mga pinunong tunay na maglilingkod at magmamalasakit sa bayan.

Inaasahang ilulunsad sa buong bansa ang One Godly Vote campaign ngayong Nobyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,824 total reads

 17,824 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,602 total reads

 55,602 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,813 total reads

 73,813 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,141 total reads

 158,141 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,664 total reads

 194,664 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top