Bagong kilusan, isusulong ang pananagutan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,418 total views

Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) na mahalagang maunawaan ng taumbayan kung ano ang naidudulot ng katiwalian sa pondo ng bayan na dapat ay inilalaan para sa kabutihan ng sambayanan.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng komisyon kaugnay sa planong pagbubuo ng isang bagong kilusan upang isulong ang pananagutan sa pamahalaan mula sa mga alegasyon ng katiwalian sa kaban ng bayan.
Ayon sa Obispo, kasalukuyan pang isinasagawa ang pagbubuo sa nasabing kilusan na layuning suportahan ang naging panawagan rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paglaban sa katiwalian sa pamahalaan.
Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo, kabilang sa partikular na inaanyayahan na makibahagi sa nasabing kilusan ang lahat ng social action network at mga katuwang ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP mula sa 87 arkidiyosesis at diyosesis sa buong bansa.
“As Caritas Philippines, we urgently call on our social action network and partners in all our 87 archdioceses and dioceses across the country to commit in beginning a movement that supports the President’s call to put an end to corruption in government and that supports our government officials who have responded to this call, pursuing the truth and working that those found guilty of this corruption be made accountable and be brought to justice.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Paliwanag ni Bishop Bagaforo, mahalaga ang aktibong pakikisangkot ng bawat mamamayan upang maipakita ang paninindigan ng taumbayan sa paghahanap ng katarungan at pananagutan mula sa mga tiwaling opisyal ng bayan na umaangkin sa pondong dapat na inilalaan sa mga batayang serbisyo at pagpapaunlad sa buhay ng mga mamamayang Pilipino.
Kabilang sa partikular na tinukoy ni Bishop Bagaforo ang pakikisangkot sa pananawagan ng masusing imbestigasyon at pananagutan kaugnay sa mga iniulat na sub-standard, hindi natapos at ‘ghost’ flood control projects sa bansa.
“We will work on the following: 1. Demand Truth and Accountability: Support a full and transparent investigation into the sub-standard, uncompleted and ghost flood control projects to ensure that those responsible are held accountable.; 2. Pursue Justice: Lobby for the swift filing of cases against those proven guilty, so that impunity does not continue to reign.; 3. Educate and Mobilize: Bring the truth and accurate information on the investigation and findings to our communities, discussing the extent of the documented corrupt projects and practices and explaining how these affect the basic services government is supposed to provide and on the overall impact on our economy.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.
Giit ni Bishop Bagaforo, mahalaga ang paninindigan at pagsusulong ng bawat mamamayan ng katotohanan at pananagutan upang mapanagot ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na sangkot sa anomalya sa kaban ng bayan.
Nanawagan rin ang Caritas Philippines sa mga mamamayan na patuloy na magbantay at makilahok sa usapin ng pondo ng bayan at paggastos ng pamahalaan na dapat ay inilalaan para sa mga programa at proyekto na makabubuti sa mga mamamayan.
“Strengthen People’s Participation: Work to strengthen and improve the mechanisms for citizens’ participation in monitoring the preparation and spending of the national budget to ensure transparency and accountability in both local and national government.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Una ng binigyang diin ng CBCP ang pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan na kabilang sa iba’t ibang mga katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 8,370 total views

 8,370 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,482 total views

 78,482 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,096 total views

 153,096 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,175 total views

 233,175 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,219 total views

 276,219 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 997 total views

 997 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top