Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 111,980 total views

Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas. 

Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga mambabatas sa ibig sabihin ng salitang “forthwith”. Ang magkakaibang pakahulugan sa salitang ito ang itinuturong dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad ng impeachment trial para dinggin ng senado ang mga reklamong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Charter change o Cha-cha ang nakikitang solusyon ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno para klaruhin na kung ano ang ibig sabihin ng “forthwith.” 

Pero Cha-cha ba talaga ang solusyon?

Gaya ng inaasahan, may mga umalma sa suhestyong ito. Kasama sa mga nagpahayag ng kanilang agam-agam ay ang ilang obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas. 

Nangangamba si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na baka samantalahin ito ng mga mambabatas na may makikitid na interes. Posible raw na gamitin ito para tuluyan nang pahintulutan ang mga political dynasties o payagan na ang mga dayuhan na magmay-ari ng malalaking negosyo sa bansa. Ikinababahala rin niyang palalawigin ng mga mambabatas ang termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno. Para sa pinuno ng Caritas Philippines, may mas kagyat na mga pangangailangan ang mga Pilipino na kailangang tugunan ng mga gumagawa ng batas. Hindi napapanahon ang Cha-cha ngayong malinaw na malinaw ang alitan sa pagitan ng mga pwersang pulitikal sa bansa.

Nanawagan naman si Antipolo Bishop Ruperto Santos na maging mapagbantay ang mga mamamayan. Mahalagang malinaw ang mga salita sa mga patakarang gumagabay sa pamahalaan, lalo na kung nakaaapekto ito sa balanse ng kapangyarihan at sa paggagawad ng katarungan. Pero dapat na pag-isipan at pagnilayang mabuti ang anumang mungkahing amyendahan ang Konstitusyon. Ang tunay na pagbabago, ani Bishop Santos, ay dapat nakatuon sa interes ng taumbayan, sa kabutihang panlahat o common good. Peke ang pagbabago kung ang pangunahing layunin nito ay magkaroon ng dagdag na kapangyarihan ang mga nasa poder na. 

Usapin ng tiwala ang Cha-cha. Laging balakid sa mga nagsusulong ng pagbabago sa Saligang Batas ang pagdududa at pag-aagam-agam ng mga tao. Tama lang naman na isaalang-alang ang mga ito sa tuwing sumusulpot ang mga mungkahing amyendahan ang Konstitusyon. Demokrasya pa naman ang umiiral sa ating bansa, hindi ba? Dapat lang na magdahan-dahan tayo dahil pinakamataas na batas ng bansa ang pinag-uusapan sa Cha-cha. 

Kung isang salita lang sa Saligang Batas ang gustong linawin, baka hindi naman Cha-cha ang solusyon. Una sa lahat, malinaw naman ang ibig sabihin ng salitang “forthwith”—agad-agad, wala nang pasikut-sikot pa, now na! Hindi Cha-cha ang sagot para mapanagot natin ang matataas na opisyal ng gobyerno. Kailangan lang ng political will ng mga naatasang isagawa ang impeachment trial. Kailangan lang nilang tupdin ang kanilang tungkulin sa taumbayan.

Sa halip na paglaanan ng panahon ang Cha-cha, mas makapaglilingkod din ang ating mga mamambabatas kung pagtutuunan nila ng pansin ang paggawa o pagrepaso ng mga patakarang maghahatid ng nararamdamang benepisyo. 

Baka pwede na nilang talakayin ang panukalang magtataas sa sahod ng mga manggagawa at magbibigay ng benepisyo sa mga nasa impormal na sektor? Baka pwede nilang pag-usapan ang batas na tutulong sa mga magsasakang binabarat sa mga pamilihan? Baka pwedeng hanapan nila ng pondo ang mga proyektong pabahay para sa mahihirap? Baka pwedeng gawan nila ng paraan ang presyo ng kuryente para maging abot-kaya ito? Baka pwedeng balikan nila ang mga batas na dapat nagpapataas sa kalidad ng edukasyon sa bansa?

Mga Kapanalig, paalalahanan natin ang ating mga mambabatas gamit ang mga salitang ito mula sa Efeso 5:16: “Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon.” Kaya ang tanong: para ba sa mabuti ang Cha-cha?

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 111,377 total views

 111,377 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 134,536 total views

 134,536 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 155,810 total views

 155,810 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 316,688 total views

 316,688 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

International Wellness Day

 111,378 total views

 111,378 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 134,537 total views

 134,537 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 155,811 total views

 155,811 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »
Scroll to Top