Makadaupang palad si Pope Leo XIV, isang biyaya para sa pangulo ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,386 total reads

Itinuturing ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla na biyaya ang kanyang naging personal na pakikipagtagpo kay Pope Leo XIV sa Vatican.

Ayon kay Padilla, isang pambihirang karanasan ang makaharap ang Santo Papa at maipakilala sa punong pastol ng Simbahang Katolika ang misyon, kasaysayan at layunin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magdiriwang ng ika-75 taong pagkakatatag ngayong taon.

Pagbabahagi ni Padilla, sadyang kapanapanabik, taimtim at kalugod-lugod ang makadalo sa Papal Audience kung saan kabilang sa kanyang hindi malilimutang karanasan ay ang paglapit ni Pope Leo XIV upang personal na maipakilala at maihandog sa Santo Papa ang 75th LAIKO Anniversary booklet ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

“It was a blessing to meet His Holiness Pope Leo XIV! Especially on the 75th year of LAIKO. We were able to give him the information about LAIKO – history, etc. It is a special moment to be able to let the head of the Catholic Church know about us! The Papal Audience itself is solemn, fun and exciting all rolled into one. And when Pope Leo is approaching you, it is an experience you’ll never forget.” Pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas.

Kaugnay nga nito, puspusan na din ang isinasagawang paghahanda ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa nalalapit na paggunita ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity.

Una na ring inanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang bawat layko sa buong bansa na makiisa sa nakatakdang National Laity Week Celebration 2025 sa susunod na buwan na magsisimula sa ika-27 ng Setyembre, 2025 sa Diyosesis ng Laoag at magtatapos naman sa ika-4 ng Oktubre, 2025.

Tema ng National Laity Week 2025 ang “Empowered Laity Journeying Together as Pilgrims of Hope” na layuning isulong ang pagkakaisa ng mga layko sa pananalangin bilang daluyan ng pag-asa na alinsunod rin sa tema ng nakatakdang paggunita ng 24th Biennial National Convention at ika-75 anibersaryo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Unang inihayag ng implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na layunin ng taunang pagsasagawa ng National Laity Week na ipakita at ipadama sa mga layko ang kanilang kahalagahan sa pakikiisa sa misyon ni Hesus.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,828 total reads

 17,828 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,605 total reads

 55,605 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,816 total reads

 73,816 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,144 total reads

 158,144 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,667 total reads

 194,667 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,108 total reads

 37,108 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top