Mamamayan, hinimok na tangkilikin ang Segunda Mana ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,626 total views

Inaanyayahan ng Segunda Mana Program ang mga Pilipino na higit na tangkilikin ang mga preloved item sa Segunda Mana Charity Outlets sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Ito ang paanyaya ni Segunda Mana Program Head Ms.Josielou Salinas matapos ipatupad ang pinakamagandang pamamaraan sa pagtanggap ng preloved items na ibinabahagi at ipinapadala ng mga donors ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.

Maari ng makapagbahagi ng preloved items ang mga donors sa pamamagitan ng paghulog sa mga pinakamalapit na Segi Boxes na matatagpuan sa piling pamilihan, parokya at himpilan ng Radyo Veritas sa Quezon City.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng pick-up services para sa mga donors na magbabahagi ng madaming preloved items, pagdadala ng mga donasyon sa himpilan ng Caritas Manila at pakikiisa sa mga idadaos na Segunda Mana Donation Drives sa ibat-ibang bahagi Mega Manila o National Capital Region at mga karatig lalawigan.

“Real-time nating natatanggap yung mga donation, kasi pag sa charity outlet, sinasabay lang sa pag-pick-up, while kung ang options nila ay sa segi boxes na malapit sa kanila, halos araw-araw umiikot ang ating vehicles to pick up yung segi boxes, Pero at least yung routine ng ating pick-up, naiikot yung mga segi boxes, 5 days or 6 days gap kapag sa charity outlet, mas less and mas shortened yung time na makuha yung mga donation, mapick-up yung mga donation sa segi,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Salinas.

Bukod sa mga pangunahing benepisyaryo ng Segunda Mana Program na Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) scholars at mga pamilyang nasalanta ng kalamidad sa ilalim ng Caritas Damayan, natutulungan din ng programa ang libo-libong mga senior high school graduates, livelihood program beneficiaries, at ang pinakamahihirap na manggagawa upang magkaroon ng trabaho.

Kasunod ito ng pagsusulong ng Segunda Mana Program ng makakalikasang adbokasiya sa pamamagitan ng pagtanggap at pagbebenta ng mga preloved items na sa halip itapon, nagiging tulong sa mga iskolar at nangangailangan.

Isinasabuhay ng programa ang Reduce, Reuse, Recycle at wastong pagkonsumo upang mabawasan ang basura at mapangalagaan ang kapaligiran.

“Beyond fundraising Segunda Mana actually reflects the heart and soul of Caritas Manila advocacies. Kasi tatlo na yan, the triple bottom line of the organization: education, livelihood, and environment. Sana po ay suportahan tayo na ipagpatuloy na magtuloy-tuloy ang operasyon ng Segunda Mana. It’s been 18 years and counting. We continue expanding, reaching out to the people by doing donation drives sa malls, villages, condos, and government offices para mas mailapit sa kanila yung way ng pagtulong, hindi na sila mahihirapan kung paano ba magbigay, kasi we believe na maraming gustong tumulong, they just don’t know how, we’re just asking for approval and permits sa mga venue para mas malapit tayo sa public”
bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Salinas.

Sa tala, umaabot sa isang libong scholars kada taon ang pinapaaral ng YSLEP na kada taon ay natutulungang makapagtapos ang higit sa isang libong scholars sa kolehiyo.

Habang bukod sa Archdiocese of Manila at mga karatig lalawigan ng National Capital Region ay nagpapadala rin ng tulong sa mga Diyosesis na aapela ng saklolo tuwing nararanasan ang oras ng sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 7,124 total views

 7,124 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 77,236 total views

 77,236 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 151,850 total views

 151,850 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 231,929 total views

 231,929 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 275,028 total views

 275,028 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 203 total views

 203 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top