Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 119,082 total reads

Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos ng karera sa kolehiyo, at makapaghanap ng trabaho.

Sa isang mag-aaral, hindi biro ang gumugol ng halos dalawang dekadang pagsisindi ng kandila upang makapagtapos ng pag-aaral., napakahirap ang daan, sa pagkamit ng diploma, ng titulong ikaw ay graduate.

Ang masakit Kapanalig, graduate ka nga sa kolehiyo, jobless ka naman., tambay lang sa kanto.

Maging ang Commission on Higher Education (CHED) ay nababahala sa mataas na bilang ng “jobless” na mga college graduate. Natuklasan sa June 2025 Labor Force survey ng DOLE na tumaas ng 2.6-percent ang bilang ng graduates sa kolehiyo na walang trabaho, dagdag ito sa 35.6-porsiyento noong December 2024.

Ang laging problema, mayroon namang trabaho pero ang bakante ay “mismatch” o hindi akma sa graduate skills ng isang college graduate. Halimbawa sa nationwide job fairs ng DOLE noong January 2025.., 3,364 lamang mula sa 25,876 job seekers ang natanggap sa trabaho., mayorya sa mga ito ay pumatol sa low skilled roles na hindi na nangangailangan ng college degree.

Nakakaalarma ang job mismatch Kapanalig, sa survey ng SWS noong December 2023., 22.1-percent sa mga adult na walang trabaho ay mga graduate ng kolehiyo..,20.8-percent sa Junior high graduates., 20.3-percent sa mga nagtapos lamang elementarya at 8.7-porsiyento naman sa mga hindi nakumpleto ang elementarya.

Ang krisis na ito ay lumilikha ng “brain dead” sa ating bayan, ang magagaling na graduates ay nagpasyang mangibang bayan., lumalaki ang antas ng migration., dumarami ang ating mga OFW.

Ipinagmalaki ni PBBM na ang edukasyon ay “cornerstone” ng kanyang administrasyon. Maganda ang hangarin, ngunit hangga’t hindi natutugunan ang suliranin sa job mismatch, sabihin nating 50-percent ng mga college graduate ay “summa cum laude”, anong trabaho ang naghihintay sa kanila? Saan sila mamasukan?

Kapanalig, hanggat hindi kumikilos, hanggat hindi alam ng CHED kung anong programa ang gagawin, nalalagay sa kawalan ang kinabukasan ng ating mga college graduates.

Sana, isulong ng CHED ang mga reporma na prayoridad ang innovation at equity na sentro ng higher education ng Pilipinas. “Ika nga, make education not just a ticket to opportunity, but a guarantee of meaningful and sustainable employment for all graduates”.

Kapanalig, hindi maaring ito ay ipagkipit-balikat lamang ng pamahalaan at mga eksperto sa edukasyon lalu kung nahaharap tayo sa hamon ng unemployment at nakakaalarmang job mismatch sa pagitan ng graduate skills at pangangailangan ng mga industriya sa bansa.

Graduates, ang payo ng Matthew 5:16–“Let your light shine before others, that they may see your good deeds and glorify your Father in heaven”.

Sa pamahalaan at employers., sinasabi ng Catechism of the Catholic Church 2445-2446, when we attend to the needs of those in want, we give them what is theirs, not ours.More than performing works of mercy, we are paying a debt of justice”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 33,791 total reads

 33,791 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 260,384 total reads

 260,384 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 153,851 total reads

 153,851 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 247,882 total reads

 247,882 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 290,503 total reads

 290,503 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang bigat ng betrayal of public trust

 33,792 total reads

 33,792 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 260,385 total reads

 260,385 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 153,852 total reads

 153,852 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 247,883 total reads

 247,883 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »
Scroll to Top