Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Alam mo ba kapanalig na ang Asya ang garment factory ng buong mundo? Ang mga damit na nakikita nating lahat sa merkado ay kadalasang gawa ng mga mananahi sa bansa sa Asya gaya ng Pilipinas.

Tinatayang 55% ng mga tela pati mga gawang damit ay galing sa ating rehiyon. Ang industriyang ito ay tinatayang sumasakop ng mga 60 milyong manggagawa sa Asya. Napakalaking industriya nito kapanalig, at maraming mga maralitang natutulungan ito. Kaya lamang dumarami rin ang hamon sa larangang ito, lalo na ngayong nagiging digital na ang ating mundo.

Ilan sa mga hamon na ito ay ang bagsak presyo na labor cost na nakaka dehado na sa dignidad ng mga manggagawa. Kasama na rin dito ang mga labor conditions sa ilang mga pagawaan na hindi na nakakabuti sa kalusugan o wellbeing ng mga manggagawa.

Dumagdag pa sa mga hamon na ito ang dahan-dahang automation ng mga ilang aspeto sa produksyon at proseso nito, na kinatatakutan ng maraming manggagawa na mang-aagaw sa kanilang mga pwesto sa trabaho.

Ang hamon din ng sustainability ay isa sa mga suliranin ng industriya. Ang paggawa kasi ng mga damit ay maraming epekto sa ating kapaligiran. Mga 10% ng carbon emissions sa buong mundo ay mula sa produksyon nito. Liban dito, malakas din gumamit ng water resources at nakakarumi rin ito ng ating mga katawang tubig.

Napaka-importante, kapanalig, ang maayos na pamamalakad ng garments industry sa loob at labas ng bansa. Napakaraming pamilya ang natutulungan nito, kaya lamang, ang mga hamon nito, kung hindi natin mahaharap ng maayos, ay lubhang makakasama hindi lamang sa mga manggagawa nito, kundi para sa ating lahat. Kailangan maging sustainable at makatarungan ang industriya upang tunay itong maging makabuluhan at mabuti para sa tao.

Kapanalig, nais natin na maging matagumpay ang mga industriyang tumutulong sa pagpuksa ng kahirapan sa buong mundo. Kaya lamang, kailangan nating maunawaan na hindi lamang produksyon o kita ang dapat maging pokus dito. Dapat nating unahin ang kapakanan ng tao. Sabi nga sa Gaudium et Spes, “lason sa sa ating lipunan ang mga “disgraceful working conditions where men are treated as mere tools for profit.” Paalala din mula sa 1 Timothy 6:10: The love of money is the root of all evil.

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,193 total reads

 10,193 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,567 total reads

 65,567 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 150,932 total reads

 150,932 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,669 total reads

 197,669 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,541 total reads

 245,541 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,278 total reads

 346,278 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,568 total reads

 65,568 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 150,933 total reads

 150,933 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,670 total reads

 197,670 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,542 total reads

 245,542 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top