Nanawagan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mamamayan na isabuhay at gawing ehemplo sa paglaban sa human trafficking si Saint Josephine Bakhita.
Ito ang apela ng CBCP-ECMI sa pagdiriwang ng kapistahan ng Santo na ginugunita tuwing February 08 na bahagi ng ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ and week ๐ผ๐ณ ๐ฃ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ด๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ ๐๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ng komisyon.
“As we celebrate and observe this meaningful day, we are reminded that Saint Josephine Bakhitaโs life is a powerful witness of faith, resilience, and forgiveness. From the darkness of slavery, she encountered the transforming love of God that restored her dignity and gave her a new beginning,” ayon sa mensahe ng CBCP-ECMI.
Umaasa ang Komisyon na makita at higit na malaman ang naging kalbaryo at pagpupunyagi ng Santo upang maibalik ang kaniyang kalayaan at ipaglabaan ang mga nakakaranas ng pang-aapi, human trafficking at iba pang uri ng pang-aabuso.
Tinitiyak ng CBCP-ECMI ang patuloy na paglaban sa human trafficking hanggang sa tuluyang mabuwag ito sa lipunan.
“May this day move us beyond awareness into action. Let our prayers become compassion, our compassion become courage, and our courage become concrete efforts to protect the vulnerable and support survivors. In honoring Saint Bakhita, we commit ourselves to breaking the chains of injustice wherever they exist.
๐ฃ๐ฟ๐ฎ๐. ๐๐ฐ๐. ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐,” ayon pa sa mensahe ng CBCP-ECMI.
Si Saint Josephine Bakhita ay ang Patron Saint of Victims of Human Trafficking na sa pagkabata ay ibinenta upang maging alipin, sa tagal ng panahon at nakalimutan ang kaniyang sariling pangalan dahil sa slavery ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang pagsusumikap na makalaya sa kinalugmukang sitwasyon.






