Tularan ang banal na pamilya, paanyaya ng Obispo ng Cubao sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,761 total reads

Tuluran ang Banal na Pamilya upang higit na mapatibay ang pananampalataya at pamilyang kinabibilangan.

Ito ang panawagan ni Bishop Ayuban sa misang pinangunahan sa pagdaraos ng 73rd Parish Feast ng Holy Family Parish sa Roxas District – Quezon City.

Ayon sa Obispo, kasabay ng pagbati sa mga parokyano, at bumubuo ng parokya ay mahalagang mapatibay ang pananampalataya at pagiging ehemplo sa buhay ng nina Hesus, Maria at San Jose.

“Ganoon din tayo bilang mga pamilya. Mayroon tayong mga pinagdaraanang pagtitiis at mga pagsubok, at naging huwaran natin ang pagtitiwala ni San Jose sa Panginoon, ang katatagan ng loob ng ating Mahal na Ina, na sa kabila ng kawalan ng kasiguraduhan ay nagtungo sila sa malayong lugar, at ang presensya ni Jesus na nangako sa atin na Siya ay isang Panginoon na kasama natin sa ating kahinaan, sa ating mga pagtitiis, at mga paghihirap.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Ayuban.

Inalala din ng Obispo ang kalagayan ng refugees sa naging sitwasyon ng Banal na Pamilya.

Inihayag ni Bishop Ayuban na nababalot ang mundo ngayon ng mga suliranin ng digmaan at hindi pagkakaintindihan kung kaya’t kinakailangan ang pagtutulungan upang makalinga ang mga refugee.

“Tayo ay naghahanap ng mas greener pasture. Kaya sa ating pagtanggap ng isang taong hindi natin kakilala, sa mga taong para sa atin ay mga dayuhan, tinatanggap din natin ang Panginoon. Because Christ was also a refugee Himself, the Holy Family is a refugee. Kaya tayo rin sa mundong ito ay mga refugee, dahil dito ay hindi ang tunay nating tahanan. Balang araw, tayo rin ay pupunta sa ating tunay na tahanan.” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radyo Veritas

Pinangunahan din ng Obispo ang prusisyon para sa kapistahan ng Parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 46,789 total reads

 46,789 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 93,659 total reads

 93,659 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 194,926 total reads

 194,926 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 265,103 total reads

 265,103 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 348,865 total reads

 348,865 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top