Prelatura de Isabela Basilan, handang-handa sa pagiging ganap na diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,541 total views

Inihayag ni Basilan Bishop Leo Dalmao, CMF, na patuloy ang paglago ng Simbahang Katolika sa Mindanao.

Sa kanyang circular letter ibinahagi ng obispo ang pagiging handa ng Prelature of Isabela de Basilan na maging ganap na diyosesis makalipas ang mahigit anim na dekadang pagkatatag ng prelatura.

Binigyang-diin ng obispo ang malinaw na mga palatandaan ng pag-unlad ng lokal na Simbahan, kabilang ang pagdami ng bokasyon, parokya, at aktibong pakikibahagi ng mga layko.

“Over the years, we have witnessed a steady growth in priestly and religious vocations, the increase in the number of parishes and mission stations, the strengthening of lay organizations, and the deeper participation of the faithful in the life of the Church,” ayon kay Bishop Dalmao.

Tinukoy din ng obispo ang patuloy na pag-iral ng kapayapaan at pagkakaisa sa lugar sa kabila ng pagiging minorya ng mga kristiyano na naging mahalagang salik sa paglakas ng gawaing pastoral.

“We are also grateful for the improved peace and order in the province, which has allowed pastoral programs, education, and social services to flourish,” dagdag ng obispo.

Ibinahagi ni Bishop Dalmao na ang mga nabanggit na pagbabago ang nagsilbing matibay na batayan upang kilalanin sa pambansang antas ang paglago ng Simbahan sa Basilan.

Sa ginanap na 131st Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kinatigan ng mga obispo ang paghiling sa Vatican na itaas ang prelatura bilang isang diyosesis.

Ipinaliwanag ni Bishop Dalmao na ang naturang hakbang ay higit pa sa isang administratibong pagbabago, kundi pagkilala sa paglago ng pananampalataya at misyon ng lokal na simbahan.

“Thus, the elevation from a prelature to a diocese is a sign of maturity and growth in faith, structures, and mission, and many concrete reasons support this proposed elevation,” ayon pa sa obispo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang panukalang pag-angat ay bunga ng mahabang taon ng sakripisyo at paglilingkod ng mga misyonero at ng sambayanan.

“This moment is not only an administrative step but a spiritual milestone. It is the fruit of decades of sacrifice, missionary dedication, and the living faith of our people,” aniya.

Sa kasalukuyan, hinihintay ng prelatura ang tugon ng Vatican hinggil sa kahilingan kasabay ng apela sa mananampalataya na ipagdasal ang mga gawaing pampastoral at pang-espiritwal ng lokal na simbahan.

“We now humbly await a favorable response from the Vatican, trusting in God’s providence and guidance. We invite all the faithful to pray fervently that the Holy See may look kindly upon this request,” ayon pa kay Bishop Dalmao.

Batay sa datos ng Catholink mayroong 10 parokya ang prelatura bukod pa ang mga mission stations na nangangalaga sa mahigit 100, 000 mananampalataya sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 9,272 total views

 9,272 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 32,431 total views

 32,431 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 53,706 total views

 53,706 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 225,758 total views

 225,758 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top