Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawing priority ang public transport sa halip na mga pribadong sasakyan.

SHARE THE TRUTH

 421 total views

Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno sa pamahalaan na tugunan ang public transportation upang makabalik at makapasok sa trabaho ang libu-libong manggagawa matapos isailalim ng Inter-Agency Task Force sa alert level 2 ang Metro Manila.

Binigyang diin ni KMU chairperson Elmer Labog na malaking suliranin ang napakaraming bilang ng mga pampribadong sasakyan na nagdudulot ng pasakit sa mga manggagawa

“Napatunayan na ang cause ng traffic ay hindi naman yung public transport kungdi yung pag-dagsa ng napakaraming volume ng private vehicles. Obligado at nasa responsibilidad ng gobyerno ang pag-develop sa public transport system o yung mass transport system na mas marami upang hindi mahirapan ang mga manggagawa na siyang sa laylayan ng ating panmbansang ekonomiya”.pahayag ni Labog

Kinontra din ni KMU chairperson Elmer Labog ang pahayag ni DTI secretary Ramon Lopez na 100-libong manggagawa lamang ang papayagan na makapasok sa trabaho.


“Well it should be more, dapat sana mas higit pa sa isang-daang libo kasi kasi maliit namang porsyento lamang yon at milyones yung na-obligang lumiban sa kanilang pagawaan dahil lang hindi nila kagustuhan, mayroon pandemya kaya dapat mag speed-up ng gobyerno ang pagpapabalik ng mga manggagawa sa kanilang pagawaan under protocol condition,” pahayag ni Labog sa Radio Veritas.

Kaugnay parin sa panunumbalik ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho ay nanawagan din si Labog na bigyan tugon ang suliranin ng mga manggagawang kabilang sa sektor ng Agrikultura.

Ito ay matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong higit sa 800-libong mga manggagawang nasa sektor ang nawalan ng kabuhayan

Ang mungkahi ng opisyal ng KMU ay hindi lamang upang matulungan ang mga nawalan ng kabuhayan at maiwasan ang pagdami ng populasyon sa mga lungsod.

Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga Economic Managers ng bawat bansa upang gumawa ng mga makabagong pamamaraan na mas makakabuti para sa nakararami.

Nagbigay daan naman ang inisyatibo ng Santo Papa sa paglulunsad ng “Economy of Francesco” na layunin isulong ang sistema ng ekonomiya na makaturangan at pantay-pantay para sa hinaharap at susunod na henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 13,940 total views

 13,940 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 25,423 total views

 25,423 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 41,112 total views

 41,112 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 41,822 total views

 41,822 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 51,110 total views

 51,110 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top