Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipatupad ang single-use plastic ban sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

 539 total views

Hinihiling ng Oceana Philippines na ganap nang ipatupad ang single-use plastic ban sa bansa.

Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral ng Coastal Resources and Ecotourism Research, Development and Extension Center (CRERDEC) ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) na maraming microplastic ang natagpuan sa mga karagatan ng bansa.

Ayon kay Oceana vice president, Atty. Gloria Estenzo Ramos na ang isinagawang pag-aaral ng pamahalaan ay nagpapatunay lamang sa mga babala at panawagang lutasin ang lumalalang polusyon ng plastic sa karagatan na maaari pang magdulot ng mas matinding pinsala sa paglipas ng panahon.

“Ang mga [microplastic] ay nalulunok ng mga hayop sa katubigan na kinakain naman ng mga tao. Hindi maglalaon ay malalagay sa peligro ang buhay at kalusugan nating lahat, maging ang mga pagkain natin at ng ating mga susunod na salinlahi,” pahayag ni Ramos.

Samantala, ikinabahala at ikinalungkot naman ni PANGISDA Pilipinas President Pablo Rosales ang resulta ng nasabing pag-aaral.

Sinabi nito na ang kanilang pinakakaingatang pinagkukunan ng hanapbuhay at pagkain ay basta-basta na lamang masisira ng dahil sa mga basura sa karagatan.

“Nakakatakot na ang pangunahing pinagkukunan namin ng pagkain para sa aming mga pamilya ay maaaring malason ng plastik. Paano na kaya ang kabuhayan namin kung hindi na rin maaaring kainin ang mga hinuhuli naming isda? Nakakalungkot malaman na ang pinoprotektahan at inaalagaan naming mga mangingisda ay unti-unti namang sinisira ng basurang plastik,” ayon kay Rosales.

Saklaw ng nasabing pag-aaral ang Manila Bay, Subic Bay, Lamon Bay, Boracay Island, Taklong Island National Marine Reserve, Davao Gulf, Butuan Bay, Iligan Bay, Apo Reef Natural Park, at ang Tañon Strait Protected Seascape, partikular sa Badian at Moalboal sa Cebu na nakitaan ng pinakamaraming konsentrasyon ng microplastics.

Batay sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, isa sa mga tungkulin ng National Solid Waste Management Commission ang paglalabas ng listahan ng Non-Environmentally Acceptable Products and Packaging kung saan kabilang dito ang single-use plastics.

Sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, sinabi nitong mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,620 total views

 73,620 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,615 total views

 105,615 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,407 total views

 150,407 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,354 total views

 173,354 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,752 total views

 188,752 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 829 total views

 829 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,882 total views

 11,882 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,541 total views

 6,541 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top