Gawing priority ang public transport sa halip na mga pribadong sasakyan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno sa pamahalaan na tugunan ang public transportation upang makabalik at makapasok sa trabaho ang libu-libong manggagawa matapos isailalim ng Inter-Agency Task Force sa alert level 2 ang Metro Manila.

Binigyang diin ni KMU chairperson Elmer Labog na malaking suliranin ang napakaraming bilang ng mga pampribadong sasakyan na nagdudulot ng pasakit sa mga manggagawa

“Napatunayan na ang cause ng traffic ay hindi naman yung public transport kungdi yung pag-dagsa ng napakaraming volume ng private vehicles. Obligado at nasa responsibilidad ng gobyerno ang pag-develop sa public transport system o yung mass transport system na mas marami upang hindi mahirapan ang mga manggagawa na siyang sa laylayan ng ating panmbansang ekonomiya”.pahayag ni Labog

Kinontra din ni KMU chairperson Elmer Labog ang pahayag ni DTI secretary Ramon Lopez na 100-libong manggagawa lamang ang papayagan na makapasok sa trabaho.


“Well it should be more, dapat sana mas higit pa sa isang-daang libo kasi kasi maliit namang porsyento lamang yon at milyones yung na-obligang lumiban sa kanilang pagawaan dahil lang hindi nila kagustuhan, mayroon pandemya kaya dapat mag speed-up ng gobyerno ang pagpapabalik ng mga manggagawa sa kanilang pagawaan under protocol condition,” pahayag ni Labog sa Radio Veritas.

Kaugnay parin sa panunumbalik ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho ay nanawagan din si Labog na bigyan tugon ang suliranin ng mga manggagawang kabilang sa sektor ng Agrikultura.

Ito ay matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong higit sa 800-libong mga manggagawang nasa sektor ang nawalan ng kabuhayan

Ang mungkahi ng opisyal ng KMU ay hindi lamang upang matulungan ang mga nawalan ng kabuhayan at maiwasan ang pagdami ng populasyon sa mga lungsod.

Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga Economic Managers ng bawat bansa upang gumawa ng mga makabagong pamamaraan na mas makakabuti para sa nakararami.

Nagbigay daan naman ang inisyatibo ng Santo Papa sa paglulunsad ng “Economy of Francesco” na layunin isulong ang sistema ng ekonomiya na makaturangan at pantay-pantay para sa hinaharap at susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 61,178 total reads

 61,178 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 106,535 total reads

 106,535 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 128,737 total reads

 128,737 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 165,229 total reads

 165,229 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 382,364 total reads

 382,364 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top