Manggagawa: Naway maging kasangkapan sa pangangalaga ng mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,174 total reads

Hinimok ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya, lalo na ang mga manggagawa, na maging kasangkapan sa pagpapahalaga at pangangalaga sa lahat ng nilalang ng Diyos.

Ayon kay Bishop Mallari, ipinapaalala ng Diyos sa lahat na ang bawat paggawa ay halimbawa ng pakikiisa sa kakayahang maglalang ng Maylikha.

Ang mensahe ng obispo ay kasabay ng Dakilang Kapistahan ni San Jose, Manggagawa na itinuturing na huwaran ng mga manggagawa dahil sa walang kapagurang pagtatrabaho upang mapangalagaan at matiyak ang pangangailangan ng kanyang pamilya kasabay ng pagtalima sa utos ng Diyos.

“Kung papaano pagkatapos lalangin ng Diyos ang lahat, nakita niya na maganda ang lahat. Ito din ang paanyaya sa atin na pagbutihin ang lahat ng ginagawa at tumulong upang lalo pang gumanda ang mundo na tinitirhan natin,” mensahe ni Bishop Mallari mula sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Mallari na matapos likhain ng Diyos ang sanlibutan ay inatasan Niya ang tao na maging katiwala ng sangnilikha upang ito’y higit na pangalagaan at pagyabungin.

Panawagan naman ng obispo sa lahat na pahalagahan din ang mga manggagawang inilalaan ang buhay upang mapangalagaan ang kalikasan laban sa pang-aabuso at pananamantala, alang-alang sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon.

Batay sa huling ulat ng Global Witness, sa nakalipas na isang dekada, nananatili pa rin ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga land at environmental defenders kung saan naitala ang 281 pagpaslang.

Una nang nabanggit sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang panawagan sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang walang kabuluhang pakikitungo sa mga environmental defenders at mga katutubo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 21,683 total reads

 21,683 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 42,243 total reads

 42,243 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 114,706 total reads

 114,706 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 200,075 total reads

 200,075 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 246,811 total reads

 246,811 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 294,682 total reads

 294,682 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 392,719 total reads

 392,719 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 172,188 total reads

 172,188 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top