Maging environmental warrior, hamon ng Obispo sa mga Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,937 total reads

Naaalarma na ang opisyal ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mapaminsalang epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, bilang mga katiwala ng daigdig, ang bawat isa’y may pananagutan upang pangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan ng susunod pang henerasyon.

Dahil sa lumalalang pinsala sa kalikasan at mamamayan, sinuportahan ni Bishop Alminaza ang Senate Resolution No. 989 ni Senator Risa Hontiveros na hinihikayat ang iba pang mambabatas ng Senado na imbestigahan ang malawakang epekto ng pagmimina at quarrying sa kalikasan at lipunan.

“Recent tragedies and environmental disruptions linked to mining and quarrying underscore the need for a thorough investigation,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Sang-ayon ang panukalang resolusyon sa 2015 CBCP Statement na “Stewards Not Owners” na binibigyang-diin ang pananagutan ng bawat isa upang ingatan ang inang kalikasan para sa susunod na henerasyon bilang pagtugon sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Iginiit ni Bishop Alminaza na ang nararanasang climate change ay hindi lamang usaping pangkalikasan, kundi kabilang din sa mga suliranin sa pagkamit ng katarungang panlipunan.

“The plight of communities impacted by the negative effects of mining and quarrying cannot be ignored. Our actions today will shape the well-being of future generations,” ayon sa obispo.

Hiling din ni Bishop Alminaza sa mga mambabatas ng Senado na unahin ang kapakanan ng kalikasan at mga pamayanang madalas maapektuhan ng mga sakuna.

Tinukoy sa senate resolution ang mga nakaraang insidente kabilang na ang pagguho ng lupa sa Maco, Davao de Oro na kumitil sa halos 100 indibidwal.

Gayundin ang malawakang pagmimina sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar na nagdudulot na ng panganib sa mga likas na yaman at kabuhayan ng mamamayan.

“Caritas Philippines stands firmly with Senator Risa Hontiveros and urges the Senate to prioritize the well-being of our environment and vulnerable communities,” saad ni Bishop Alminaza.

Inaasahan naman ng obispo na makikiisa ang mamamayan sa paggunita ng Earth Day sa Abril 22, na pagkakataon upang panibaguhin ang pangakong itaguyod ang responsableng pamamahala sa mga likas na yaman ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 125,749 total reads

 125,749 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 187,440 total reads

 187,440 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 233,148 total reads

 233,148 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 334,416 total reads

 334,416 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 397,826 total reads

 397,826 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 206,850 total reads

 206,850 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top