Diocese of Bayombong, umaasang tugunan ng Bayombong-RTC ang petisyon laban sa OGPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,689 total reads

Hinihiling ng opisyal ng Diocese of Bayombong na masusundan pa ang mga hakbang upang mapigilan at mapahinto ang mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Diocesan Social Action Director, Fr. Christian Dumangeng, maituturing na tagumpay ang maipasa sa Bayombong Regional Trial Court ang Petition for Certiorari upang bawiin ang Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) para sa mining operations ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

“Panalangin ko na hindi sana masayang itong pag-file. Sana bigyan din ng chance ‘yung side ng simbahan tapos ‘yung adbokasiya ng iba’t ibang [non-government organizations], entities nang sa ganon ay at least may direksyon at may pagpupuntahan itong sinimulan,” pahayag ni Fr. Dumangeng sa panayam ng Radio Veritas.

Nagsilbing kinatawan ni Bishop Jose Elmer Mangalinao si Fr. Dumangeng nang magtungo sa Bayombong RTC upang isampa ang kaso laban sa OceanaGold.

Kasama naman ng pari sina Legal Rights and Natural Resources Center senior legal fellow Atty. Ryan Roset; Didipio Earth-Savers Multipurpose Association (DESAMA) vice chair Eduardo Ananayo; at dating Didipio Barangay Captain Erenio Bobolla.

“Hintayin natin kung anong mangyayari doon sa nai-file na case. Whatever result ang mangyayari kung positive siya then another convention or another meeting ang gagawin para mapaghandaan kung anong next approach,” saad ni Fr. Dumangeng.

Nagtapos ang 25-taong mining permit ng OceanaGold noong 2019, ngunit binigyan ng panibagong permiso ng Office of the President noong 2021 para sa karagdagang 25-taon.

Itinuturing ang Nueva Vizcaya bilang “watershed haven” dahil sa taglay nitong mga watershed na tumutugon sa pangangailangang patubig at pang-agrikultura ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,593 total reads

 50,593 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,340 total reads

 147,340 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,609 total reads

 191,609 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,718 total reads

 214,718 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,628 total reads

 287,628 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,718 total reads

 145,718 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top