Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Good news!

SHARE THE TRUTH

 137 total views

Kinatigan ng pamunuan ng Episcopal Commsission on Biblical Apostolate ng Catholic Bishops’s Conference of the Philippines ang panukalang Mandatory Bible reading sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, ang pinuno ng CBCP-ECBA, malaking ambag sa paghuhubog ng lipunan ang panukalang pagbabasa ng Banal na Kasulatan sa mga paaralan.

“Definitely that’s good news, magandang initiative ‘yan, kasi kung i-allow ‘yan sa mga schools, napakaganda niyan sa paghuhubog ng isip at puso ng ating kabataan,” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Aniya, mahalagang matutuhan ng isang bata ang mga Salita ng Diyos sa murang kaisipan at magsisilbing gabay sa paglaki para maging responsableng mamamayang bahagi ng pamayanan.

Binigyang diin ni Bishop Bancud na magaganap ito sa tulong ng pamilya o ang pagpapakilala ng Banal na Salita sa mga tahanan, sa eskwelahan at ang komunidad na kinabibilangan upang higit na mapaunawa sa bata ang kahalagahan ng Salita ng Diyos sa buhay ng tao.

“Kung matutunan lang natin lahat, na BASAHIN, PAGNILAYAN at ISABUHAY ang Salita ng Diyos ito’y magdudulot sa atin ng tunay na kapayapaan at buhay na matiwasay,” ani ni Bishop Bancud.

HOUSE BILL 2069

Naniniwala si Manila 6th District Representative at Minority Leader Bienvenido Abante Jr. na maging maayos at maglilingkod ng tapat ang mga lider ng pamahalaan kung nakaugaliang sinusunod at nahuhubog ang Salita ng Diyos habang bata.

Sa ilalim ng panukalang Mandatory Bible Reading Act ni Abante, nais nitong maging bahagi sa curriculum ang pagbabasa ng bibliya sa pampublikong paaran ng elementarya at sekundarya.

Sinabi naman ni Bishop Bancud na kabutihang panlahat ang iniisip ng mambabatas sa pagsusulong ng Mandatory Bible reading.

“It will be for the good of all people,” saad ni Bishop Bancud.

NATIONAL BIBLE DAY

Magugunitang ika – 20 ng Disyembre 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11163 kung saan idineklarang special holiday ang huling Lunes ng Enero para gunitain ang National Bible Day.

Ikinatuwa naman ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Youth ang panukala ni Abante sapagkat lalong napagtibay nito ang Proclamation 124 na inilabas ng Pangulong Duterte noong 2017 na nagdedeklarang National Bible Month ang buwan ng Enero.

Positibo si Father Garganta na makatutulong ito sa gawain ng Simbahan na palaganapin ang mga Salita ng Diyos sa bawat mananampalataya upang mas titibay ang pananalig sa Panginoong nakaugat sa Salita ng Diyos.

Bilang predominantly Christian na bansa kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan ng bibliya bilang sentro ng Kristiyanong paniniwala.

Ayon naman kay CBCP Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, bagamat kinikilala nito ang panukalang gawing mandatory ang pagbabasa ng Bibliya, mahalaga ring igalang ang pananampalataya ng ibang estudyante tulad ng mga Muslim, Buddhist at iba.

Mungkahi ni Bishop David na gawing elective subject na lamang ito sa mga paaralan upang mabigyang pagkakataon ang iba ang paniniwala na maisabuhay rin ang kanilang pananampalataya.

Batay sa tala 25 milyon ang bilang ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na maaring kasama sa mandatory bible reading at dalangin ng pinuno ng CBCP-ECBA para sa mga mambabatas na patuloy magampanan ang tungkulin para sa kabutihan ng bawat mamamayan.

“Ipagdasal natin ang lahat ng ating mambabatas nang sa gayon ay kanilang matapat na magampanan ang ipinagkatiwalang katungkulan para sa kapakanan ng lahat,” saad ni Bishop Bancud.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,255 total views

 11,255 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,228 total views

 17,228 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,983 total views

 22,983 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,246 total views

 30,246 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,230 total views

 38,230 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Norman Dequia

Nakiisa sa environmental forum, pinasalamatan ni Bishop Uy

 31,763 total views

 31,763 total views Pinasalamatan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng sektor na nakiisa sa ikalawang environmental forum na ginanap sa Holy Name University sa Tagbilaran City. Ikinatuwa ng obispo ang pakiklahok ng mga sektor ng pamayanan lalo na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan lalo’t tema ng pagtitipon ang ‘Bridging the

Read More »
Environment
Norman Dequia

Emergency Operation Center, binuksan ng Caritas Philippines

 14,055 total views

 14,055 total views Patuloy ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga lubhang apektado ng low pressure area sa Mindanao. Inilunsad ng Humanitarian Office ng Caritas Philippines ang kanilang Emergency Operational Center upang agarang matukoy ang sitwasyon sa mga apektadong diyosesis at matugunan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Proteksyon sa coastal areas at marine resources, panawagan ni Senator Villar

 3,548 total views

 3,548 total views Inihayag ni Senator Cynthia Villar na dapat paigtingin ng mamamayan ang pangangalaga at proteksyon sa coastal areas at marine resources sa bansa. Sinabi ng mambabatas na chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, na mahalagang mabigyang proteksyon ang karagatan at wetlands lalo’t isang archipelago ang Pilipinas na pinanahanan ng iba’t

Read More »
Environment
Norman Dequia

Climate mapping, panawagan ng grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan

 4,837 total views

 4,837 total views Umaasa ang grupo ng magsasaka na magkaroon ang Pilipinas ng wastong weather o climate mapping para makatulong sa mga manggagawang bukid. Ayon kay Federation of Free Farmers Chairperson Leonardo Montemayor ito ang dapat pagtuunan ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka sa pagdesisyon ng mga itatanim sang-ayon sa panahon. Ito ang tugon ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Seasons of Creation: Ipagmalaki ang lahing Katutubo!

 2,084 total views

 2,084 total views Hinimok ng dating obispo ng Diocese of Novaliches ang mamamayan na lingapin at pahalagahan ang mga katutubo sa bansa. Ayon kay Bishop Antonio Tobias malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga katutubo lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 9, ang huling

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kalikasan at halalan.

 1,799 total views

 1,799 total views Ito ang pangunahing paksa na tinalakay sa dalawang araw na pagpupulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David napagkasunduan ng mga obispo sa bansa ang maigting na pagpapatupad sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si upang matugunan ang lumalalang suliranin sa kalikasan. Binigyang-diin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Menor de-edad, pinayagan ng pumasok sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu

 1,854 total views

 1,854 total views Pahihintulutan na ng Basilica Minore Del Santo Nino De Cebu ang mga batang menor de edad na makapasok sa simbahan. Ito ang anunsyo ng basilica kasabay ng pagluwag ng quarantine restrictions at pagbaba sa low risk status ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health. Sa pahayag ng basilica ng Santo Nino

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Bangon Batanes online concert, ilulunsad ng Prelatura ng Batanes

 2,695 total views

 2,695 total views Nanawagan ang Prelatura ng Batanes sa mamamayan ng suporta sa isasagawang online concert para sa pagbangon ng Batanes na lubhang napinsala ng bagyong Kiko. Ayon kay Fr. Vhong Turingan, chancellor ng prelatura, pangungunahan ng OPM artist ang online concert na layong makalikom ng pondo para sa pagsasaayos sa mga napinsala at pagbangon ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Tagbilaran, nanawagang itigil na ang pamumutol ng punongkahoy sa Bohol

 1,893 total views

 1,893 total views Higit na pinalawak ng Diyosesis ng Tagbilaran ang mga programang magbibigay proteksyon sa kalikasan. Sa liham pastoral ni Bishop Alberto Uy binigyang diin nito ang pagpapalago ng mga kagubatan sa lalawigan sa pangunguna ng 58 parokya ng diyosesis. “Usa sa dako ug konkreto nga aksyon nga akong idasig kaninyo mao ang paghimo og

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Obispo, nanawagan ng suporta sa Parish-Forest program ng Diocese of Tagbilaran

 1,867 total views

 1,867 total views Hinimok ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Tagbilaran ang mananampalataya na suportahan ang programang ‘Parish-Forest’ ng diyosesis. Ayon kay Bishop Alberto Uy layunin ng programa na mapalawak ang mga kagubatan sa lalawigan ng Bohol sa pangunguna ng simbahan. Naniniwala ang obispo na mahalagang paunlarin ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang mapangalagaan ang kalikasan

Read More »
Environment
Norman Dequia

Pangalagaan ang kalikasan, panawagan ng Apostolic Nuncio to the Philippines sa mga Filipino

 1,864 total views

 1,864 total views Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mananampalataya na isabuhay ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan. Sa pagninilay ng nuncio sa isinagawang Popes Day mass sa Manila Cathedral binigyang diin nito ang pagkakaugnay ng ‘moral and environmental beauty’ kung saan tungkulin ng bawat kristiyano

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Ika-7 anibersaryo ng 7.2 magnitude na lindol: “Hindi tayo pinapabayaan ng Panginoon”-Bishop Uy

 2,911 total views

 2,911 total views Pinaalalahanan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na hindi nagpapabaya ang Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng krisis at hamong kinakaharap ng bawat isa.  Ito ang pagninilay ng obispo kaugnay sa paggunita sa ikapitong taon mula nang yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang Bohol noong Oktubre, 2013. Sa kabila ng trahedya ayon

Read More »
Environment
Norman Dequia

Developmental aggression, nagdudulot ng collateral damage sa kalikasan at ecosystem

 1,844 total views

 1,844 total views Nakiisa ang Diyosesis ng Baguio sa buong Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng Season of Creation kasabay ng panawagan sa mananampalataya na magkaisa at magtulungang pangalagaan ang kalikasan. Sa liham pastoral ng ni Bishop Victor Bendico binigyang diin ang kasalukuyang nangyayari sa kalikasan na nakasasama sa nag-iisang tahanan ng daigdig. Inihayag ng Obispo na

Read More »
Environment
Norman Dequia

Pagkilala ng Vatican sa renewable energy program ng Diocese of Maasin, ikinagulat ng Obispo

 1,745 total views

 1,745 total views June 23, 2020, 12:33PM Ikinatuwa ng Diyosesis ng Maasin ang pagkilala ng Vatican bilang kauna-unahang diyosesis na gumamit ng renewable energy. Ayon kay Bishop Precioso Cantillas, ikinagulat nito ang pagkilala sa maliit na hakbang ng diyosesis bilang tugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan. “I am surprised to know

Read More »
Environment
Norman Dequia

Kapanatagan ng loob at kaligtasan ng mamamayan sa paligid ng Mt.Kanlaon, dalangin ng Obispo.

 1,755 total views

 1,755 total views June 23, 2020, 10:53AM Hinimok ni San Carlos Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang mamamayan na malapit sa Mt. Kanlaon na maging mapagmatyag at sumunod sa payo ng mga eksperto. Sa panalangin ng obispo na ipinadala sa Radio Veritas, hiniling nito sa Panginoon ang paggabay at kaligtasan ng bawat isa mula sa posibleng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top