Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Sa ating panahon ngayon, mukhang nahihirapan ang mga tao na kilalanin kung ano ang grasya. Marami sa atin hindi na alam kung ano ito. Marami sa atin, hindi na rin dama kung dumarating pa ba ito. Ano nga ba ang grasya, kapanalig?

Ayon sa the Catechism of the Catholic Church, “Grace is favor, the free and undeserved help that God gives us to respond to his call to become children of God, adoptive sons, partakers of the divine nature and of eternal life.

Batay sa depinisyon na ito, grasya kapanalig, ang tulong na binibigay ng mga tao o institusyon upang tayo at ang ating lipunan ay maging mabuti, maayos, at maka-Diyos.

Kapanalig, ito lamang nakalipas na mga araw, lumabas ang report ng Commission on Audit (COA) ukol sa P67 bilyong COVID funds na hindi nagamit ng maayos ng Department of Health (DOH). Kabilang dito ang P3.4 billion COVID foreign aid  na hindi na gamit ng naturang ahensya.

Marami man ang nabigla dito, hindi naman natin maitatatwa na may binigay itong pag-asa. Unang-una, nalaman natin na may pera pa pala na maaring magamit para mas mapagaan ang impact at epekto ng pandemya sa ating bansa. Pangalawa, naramdaman din natin na may ahensya pa pala ng pamahalaan na nagbabantay para sa kapakanan ng bayan at sa buwis na pinaghirapan ng ating mga manggagawa at mga negosyante.

Grasya ito, kapanalig. Ang ganitong impormasyon na binusisi ng COA ay tutulong sa ating paglaban sa pandemya. Maitutuwid din nito ang anumang pagkukulang o oversight na maaring nagawa ng kinauukulan. Walang alegasyon ng korupsyon sa report, pinakita lamang nito na may kakulangan sa pamamahala o governance. Ang ganitong sitwasyon ay maaring maituwid at mabawi.

Kaya’t nakakapagtataka na ang  ating mga pinuno mismo ang eksaharada ang reaksyon sa pagsusuri ng COA. Ginagawa lamang nito ang kanyang mandato sa ilalim ng ating Konstitusyon – ang maging tagapag-bantay ng kaban ng bayan. Sa halip na iwasto ang anumang pagkukulang, nagmumura at nag-ngangangawa ang ating mga lider. Huwag naman sana ganyan. Sila pa naman ang dapat maging huwaran ng bayan. Ang maayos na pamamahala ay grasya rin para sa bayan. Huwag sana ipagkait ito ng ating mga pamahalaan.

Sumainyo ang Katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »
Scroll to Top