Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 415 total reads

Isa sa mga mahahalagang isyu ng ating mundo ngayon ay ating kalikasan, At kung ang napupusuan mong kandidato upang  mamuno sa lokal at nasyonal na lebel ay walang pakialam dito, malaking pagkakamali ang ibigay mo sa kanila ang boto mo.

Ang ating mundo ay nasa climate crisis ngayon at dama na natin ang epekto ng pag-init ng mundo na nagmula rin sa mga gawain ng sangkatauhan. Ayon sa mga siyentipiko, ang global climate ay patuloy pang tataas ngayong siglo. At sa pagtaas nito, ang mga bulnerableng bansa gaya ng Pilipinas ang unang magdudusa. Magiging mas madalas pa ang mga bagyong singlakas ng Typhoon Yolanda noong 2013 o Typhoon Ulysses noong 2020.

Maliban sa pag-bagyo, ang climate change ay nagdudulot din ng mas maraming volume ng pag-ulan. Tinatayang dadami pa ang extreme rainfall sa ating bansa sa pagitan ng 2020 at 2050 dahil sa global warming. Kapag mas madalas ang extreme rainfall kapanalig, mas madalas din ang pagbaha at pagguho ng lupa. Mas maraming sakit din ang maaaring kumalat sa malimit na pag-ulan. Mababawasan din nito ang productivity sa ating bayan.

Pati ang ating karagatan ay hindi makakaligtas sa climate change. Tinatayang 98% ng mga coral reefs sa Southeast Asia ay mamamatay pagdating ng 2050, at maaaring maging extinct pa sa pagtapos ng siglong ito. Liliit din ng mga 50% ang mga huli sa ating karagatan sa pagitan ng 2051 at 2060.

Ayon nga sa IPPC Assessment, ang climate change ay maglilikha ng mas  maraming maralita sa buong mundo mula ngayon hanggang 2100. Ang Pilipinas, maaaring mabawasan ang GDP ng 6% kada taon mula 2100 kung hindi natin papansinin ang banta ng climate change.

Sa hanay ng ating presidentiables, dalawa lamang ang itinuturing na “green candidates” ng mga coalition of environment groups (Robredo at de Guzman), at sa bise, isa lamang (Pangilinan). Kilatisin nating mabuti kapanalig, ang atin mga manok ngayong eleksyon – baka makapili tayo ng taong magtutulak pa sa atin sa kapahamakan.

Hindi biro ang problema natin sa kalikasan, kapanalig. Mas matindi pa ito sa pandemyang ating dinaranas ngayon. Kung hindi natin ito haharapin, kikitilin nito ang buhay natin, pati na ng susunod na henerasyon.

Ayon sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good: ang isyu ng climate change ay ukol sa pagprotekta sa ating kapaligiran. Ito ay tungkol sa pangangasiwa ng tao sa mga nilikha ng Diyos at sa ating pananagutan sa mga susunod sa atin. Kung ang ating pipiliing pinuno at walang pakialam dito, wala din itong pakialam sa kinabukasan natin.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 135 total reads

 135 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 51,089 total reads

 51,089 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 87,879 total reads

 87,879 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 120,668 total reads

 120,668 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 171,714 total reads

 171,714 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 233,342 total reads

 233,342 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 51,090 total reads

 51,090 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 87,880 total reads

 87,880 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 120,669 total reads

 120,669 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top