Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 898 total reads

Ano ba ang green cities o luntiang syudad, kapanalig? Sa ating bansa, nakikita na ba natin ang kahalagahan nito? Luntian ba ang mga syudad natin?

Ang syudad, upang matawag na luntian o green, ay kailangang maging sustainable at malusog. Ang isang green city ay isang syudad na gumagamit at nagsusulong ng energy efficiency at renewable  energy, maayos at environment-friendly ang pag-gamit ng land area, resilient ang kapaligiran, merkado, at populasyon, at nangangalaga ng kapaligiran hindi lamang para sa kapakanan ng mga tao ngayon, kundi pati ng mga susunod na henerasyon.

Nakakalungkot lamang na sa ngayon, maaraming syudad sa Asya, sa halip na maging luntian, ay unti unti ng nasisira. Marami rito ay napapaligiran ng mga slum communities, ang mga ilog ay namamatay na, ang traffic ay mas lalong lumulubha, at nagsisiksikan na ang mga tao. Ayon nga sa Asian Development Bank, 120,000 tao ang lumilipat sa mga syudad sa Asya kada araw at 520 million ang nakatira sa mga urban slums nito.

Sa ating bansa, napakabilis ng urbanisasyon, at dahil dito, unti unting nasisira ang ating mga syudad. Ayon nga sa World Bank, ang ating bansa ang isa sa may pinaka-mataas na urbanization rate. Tinatayang ang urban population ng ating bansa ay aabot ng 50 million pagdating ng 2050, at ito ay mga 65% na ng kabuuang populasyon ng bansa. Ibig sabihin, maaring pagdating ng 2050, sobra pa sa kalahati ng ating populasyon ang titira na sa mga syudad. Ngayon, kapanalig, mga 12 million ang populasyon sa Metro Manila, at masikip na nga ito. Paano pa pag tumaas pa ang mga populasyon nito?



Ang mabilis at mapanirang urbanisasyon ay banta sa kalikasan at tao. Ngayong pandemya, damang dama natin ito. Mas masikip na lugar, mas mabilis kumalat ang sakit. Mas malaki ang populasyon, mag-aagawan din sa espasyo sa  public transport. Ang kawalan ng maayos na urban planning, delikado para sa mga bikers at pedestrians. Ang kawalan ng maayos na drainage, baha ang inaabot. Ang lahat ng ito ay maari sanang mabago kung ang pokus ng urbanisasyon ay hindi lamang ang kita kundi ang tao at ang kapaligiran nito.

Kailangan nating matutunan ang kahalagahan ng luntiang syudad lalo sa ating panahon ngayon kung kailan kay hirap awatin ng climate change at lagi ng may banta ng pandemya at natural disasters. Hindi nararapat na lagi na lamang tayong nagtitiis sa pinsalang dala ng mga problema at sakunang atin namang maaring pigilan sa simula pa lamang.

Tungkulin nating pangalagaan ang ating kapaligiran, at ang pagtitiyak na luntian ang ating syudad ay kasama sa tungkulin na ito. Pinapa-alalahan tayo ng Laudato Si na tiyakin na mag-iiwan tayo ng luntiang mundo para sa mga susunod na henerasyon. Ayon dito, dapat nating makita na hindi lamang ang kaayusan ng kapaligiran ang nakataya nito, kundi ang ating dignidad. Ang ating buhay ay nakatali sa buhay ng ating kapaligiran. Sa ating pagpapabaya sa kalikasan, ang ating buhay, pati ang buhay ng mga susunod sa atin, ang ating pinabayaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,830 total reads

 6,830 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 19,227 total reads

 19,227 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,776 total reads

 123,776 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 164,334 total reads

 164,334 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,788 total reads

 184,788 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,822 total reads

 232,822 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BSKE POSTPONEMENT

 19,228 total reads

 19,228 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,777 total reads

 123,777 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 164,335 total reads

 164,335 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,789 total reads

 184,789 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top