474 total views
Manindigan para sa katotohanan at katarungan.
Ito ang panawagan ni Malaybalay Diocesan Administrator Msgr. Noel Pedregosa sa sinuman na mayroong nalalaman kaugnay sa pagpaslang kay Fr. Rene Regalado noong January 24.
Ayon kay Msgr. Pedregosa, sa pamamagitan ng paglabas ng katotohanan ay makakamit ang katarungan sa sinapit na karahasan ni Fr. Regalado na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin.
Giit ni Mgsr. Pedregosa, ang paninindigan para sa katotohanan ay paninindigan sa pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa bawat isa.
“The truth will set you free, meaning to say we can only be truly secure, we can only be truly free if when we stand for the truth. That is why I am challenging people of good conscience please come out in the name of truth, in the name of justice, in the name of God please come out likewise please stand for the truth, please stand for justice, please stand for heaven, please stand for God.” Ang bahagi ng mensahe ni Msgr. Pedregosa sa funeral mass para sa napaslang na si Fr. Regalado.
Kaisa ng mga Paring Bukidnon at mga naiwang kaanak ng pari sa panawagan ng katarungan nina Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan at Iligan Bishop Jose Rapadas na naging katuwang ni Mgsr. Pedregosa sa paghahatid sa huling hantungan kay Fr. Regalado.
Nauna ng kinondina ng diyosesis ang karahasang sinapit ng 42-taong gulang na Pari na natagpuang patay sa labas ng St. John the 23rd College Seminary noong January 24.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police-Malaybalay sa insidente upang matukoy ang dahilan at ang responsable sa pagpaslang kay Fr. Regalado.
Sa tala, si Fr. Regalado na ang ika-apat na Pari na marahas na napaslang sa bansa mula noong taong 2017.