Green Recovery sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total views

Kapanalig, sa gitna ng gabundok na basura na ating nalilikha araw araw, sa pagbabago ng klima, at pagkasira ng ating kalikasan, napapanahon na ang “green recovery” o ang panunumbalik ng ating luntiang kalikasan.

Bilang isang bansa na mayaman sa likas yaman pero mayaman din sa mga elementong sumisira din nito, kailangan na natin ng mga kongkretong hakbang para tunay na mapangalagaan ang ating kapaligiran. Mahalagang magawa natin ito dahil, kapanalig, ang likas yaman ang pundasyon ng ating kinabukasan.

Kailangan nating magsagawa ng mga hakbang na magbabawas ng epekto ng climate change sa ating bayan habang patuloy na pinoprotektahan ang ating kalikasan. Isang ehemplo nito ay ang rehabilitasyon ng mga degraded forest areas ng ating bayan. Sa ngayon, kapanalig, halos 47,000 na hektarya ng kagubatan ang nawawala sa ating bansa kada taon.

Kailangan din natin ng pagbabago sa ating mga nakagawiang practices sa farming at fishing na sumisira rin ng ating mga lupa at karagatan. Ang pagkakaingin ay patuloy pa ring ginagawa sa ilang lugar sa ating bayan, at ang overfishing ay nangyayari pa rin sa maraming lugar. Pati ating mga bakawan o mangroves ay nasisira na, na proteksyon pa naman sana sa mga daluyong mapaminsala. Pati mga coral reefs natin, delikado na, siyang tahanan ng ating mga isda. Tinatayang mahigit pa sa 30% ng ating mga coral reefs ay “in poor condition” na.

Maliban sa pangangalaga sa kalikasan, ang green recovery ay tungkol din sa “green jobs.” Malaking bahagi ito ng green recovery dahil dito din manggagaling ang malawakang pagbabago sa ating mga nakagawiang practices na nakakasira sa ating kapaligiran. Ang mga green jobs ay mga trabahong tumutulong sa pagpreserba o pagpapanumbalik ng ating kalikasan, gaya ng mga agriculture workers, forestry workers, disaster risk reduction managers at iba pa.

Kapanalig, malalim na pagbabago ang kailangan natin upang tunay na makamit natin ang green recovery.  Ang green recovery ay hindi lamang panunumbalik ng ganda at yabong ng ating kapaligiran, ito rin ay panunumbalik ng ating maayos na ugnayan sa ating kalikasan at pati na rin ng ating humanidad – ng ating dangal bilang kawangis ng Diyos. Sabi nga sa Caritas in Veritate, “Ang paraan ng pagtrato ng sangkatauhan sa kapaligiran ay sumasalamin sa pagtrato nito sa kanyang sarili.” Sana kapanalig, ating mapagtanto, na ang pangangalaga sa ating kalikasan ay pangangalaga rin ng ating relasyon, hindi lamang sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan, kundi sa ating Diyos.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 36,851 total views

 36,851 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 36,851 total views

 36,851 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 36,851 total views

 36,851 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 35,634 total views

 35,634 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 32,437 total views

 32,437 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 36,852 total views

 36,852 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 36,852 total views

 36,852 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 36,852 total views

 36,852 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 35,635 total views

 35,635 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top