Pangulong Marcos, pinayuhan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,962 total reads

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na patuloy matutugunan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang suliranin sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, dapat makahanap ng mga pamamaraan ang pamahalaan na maibsan ang paghihirap ng mga Pilipino gayong nararanasan pa rin sa bansa ang mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Ito ang pahayag ng obispo kaugnay sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr. sa July 24.

“Ibig nating makita na i-address ng ating pangulo ang economic situation ng ating mga kababayan, we are on inflation stage maraming mga kababayan natin ang naghihirap at hirap hirap to be able to provide themselves with basic needs in their families,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Aniya nawa’y mapaigting ng administrasyon ang paglikha ng mga trabaho para sa bawat Pilipino gayundin ang pagpapalakas sa bawat sektor ng lipunan kabilang na ang agrikultura na titiyak sa food security ng bansa na isa sa pangunahing pangangailangan ng tao.

Bagamat naitala ng Philippine Statistics Authority ang 5.4 percent inflation rate noong Hunyo mas mababa kumpara sa 8 percent noong Enero ramdam pa rin ng 94 na porsyentong kabilang sa young labor force ang epekto ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Bukod dito hinimok din ni Bishop Bagaforo ang administrasyong Marcos na palakasin ang transportasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastrakturang makatutulong sa mamamayan para sa mas mabilis na pagkilos at kalakalan.

Gayunpaman binati ng obispo si Pangulong Marcos Jr. sa isang taong paglilingkod sa mga Pilipino at pagsusumikap na mapunan ang pangangailangan ng lipunan.

“Ang ating pagbati sa ating pangulo after one-year siya ay nagpakita ng kanyang sinseridad sa pagsilbi sa ating bayan at sa ating mga kababayan,” ani Bishop Bagaforo.

Tiniyak ni Bishop Bagaforo na suportado ng simbahan ang mga hakbang ng pamahalaan na makatutulong sa mamamayan kasabay ng pagpapaigting sa social programs ng humanitarian, development at advocacy arm ng simbahan sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,830 total reads

 54,830 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,241 total reads

 134,241 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,686 total reads

 167,686 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,984 total reads

 202,984 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,316 total reads

 427,316 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top