Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 90,240 total reads

Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya tayong pakinggan at kumilos para makamit nila ang katarungan. Sabi nga sa Mga Awit 82:3: “Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.”

Ilang linggo matapos ang pag-aresto at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, kaliwa’t kanang patutsadahan ang ginawa ng mga pabor at hindi pabor sa kanyang pag-aresto. Mistulang teleserye ang bangayan ng dalawang political dynasties na sangkot: ang mga Marcos at ang mga Duterte.

Sa ginawang hearing kamakailan ni Senadora Imee Marcos tungkol sa aniya’y iligal na pag-aresto sa dating pangulo, may mga nagsasabing mas nangibabaw ang pamumulitika niya at ni Senador Alan Peter Cayetano. Naging target nila ang mga miyembro ng gabinete katulad nila Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior Secretary Jonvic Remulla, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at CIDG Director Police Major General Nicolas Torre III. 

Sa kabila ng sigalot ng magkabilang kampo ay ang paglimot naman sa mga pamilyang naging biktima ng marahas na war on drugs ng nakaraang administrasyong Duterte. Masalimuot at mailap ang katarungan para sa mga biktima. Inamin ni DOJ Secretary Remulla na nahihirapang makamit ng mga biktima ang hustisya dahil 95% ng mga kaso ng extrajudicial killings (o EJK) ay kulang sa police reports na pangunahing ebidensya ng mga kaso. Gaya ng binanggit natin sa isang editoryal, nagsisimula na ang mga hakbang sa paggawad ng katarungan kasunod ng pagkakaaresto sa dating pangulo. Igalang na dapat natin ito.

Alinsunod sa pag-usad ng kaso ay binuksan na ng ICC Pre-Trial Chamber ang Court Registry upang bigyang pagkakataon ang mga biktima na maging bahagi ng pagdinig sa kasong crimes against humanity na kinakaharap ni dating Pangulong Duterte. Inihahanda na ang mga biktima para sa mga proseso ng pagbibigay ng testimonya at paglalatag ng ebidensya laban sa dating pangulo.

Masasabi nating sang-ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang hakbang na ito ng ICC, ng pamahalaan, at ng mga grupong sumusuporta sa mga biktima para mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilya nilang makipagtulungan upang makamit ang hustisya. Ayon kay Pope John XXIII, pangunahing tungkulin ng mga awtoridad, katulad ng pamahalaan at mga institusyong legal, na kilalanin at protektahan ang mga karapatan ng bawat indibidwal. Kaya nararapat lamang na suportahan at makiisa ang pamahalaan at ang ICC dahil ito ang kanilang tungkulin sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa yugtong ito sa pagkamit ng hustisya, huwag tayong magbingi-bingihan sa iyak ng mga biktima ng walang habas na pagpatay. Hindi sana tayo madaráng sa sakim na hidwaan ng mga nagbabanggaang angkan sa pulitika. Ang pagpapanagot sa mga mapang-abusong opisyal ay hindi pamumulitika. Ang pagpapanagot sa mga nagkasala sa Diyos at batas ay hindi pang-aapi sa kanilang pagkatao’t mga karapatan. Ang maliliit na hakbang na mayroon ngayon ay tungo sa pagpapairal ng pananagutan, katarungan, at mga karapatan ng mga biktima ng karumal-dumal na pagpatay noong war on drugs. 

Mga Kapanalig, ang kwentong masalimuot na ito para sa katarungan ay tungkol sa libu-libong biktima ng EJK, katulad nila Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz. Sila ang dapat na binibigyang-pansin dahil sila ang mga walang habas na pinaslang, walang tamang paghatol, walang wastong proseso. Dinggin natin ang kanilang tinig sa pamamagitan ng pagkilala sa pagmakit ng katarungan sa pamamagitan ng proseso ng batas. Dinggin din natin ang hapis ng kanilang mga pamilya nang hindi na tayo maging manhid sa pang-aabuso at pang-aapi ng mga iniluluklok natin sa poder.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 31,295 total reads

 31,295 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 115,256 total reads

 115,256 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 209,587 total reads

 209,587 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 271,273 total reads

 271,273 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 315,504 total reads

 315,504 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 31,296 total reads

 31,296 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 115,258 total reads

 115,258 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 209,589 total reads

 209,589 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 271,275 total reads

 271,275 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top