Higit 2,000 evacuees, nasa evacuation centers sa Bulacan

SHARE THE TRUTH

 222 total views

Nasa higit 2,000 o 2, 461 na indibidwal pa rin ang nasa siyam na evacuation centers sa Bulacan dahil na rin sa labis na pag-ulan na epekto ng Habagat nitong nakalipas na mga araw.

Ayon kay Fr. Efren Basco, social action center director ng Diocese of Malolos, lubog sa baha ang mga bahay ng mga evacuees na nagmula sa mga bayan ng Balagtas, Marilao, Calumpit at Meycawayan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Fr. Basco na dahil sa pagtutulungan ng local government units, non government organizations at Simbahan, napapakain naman ang mga evacuees sa mga bisita, paaralan, barangay hall at mga complex na ginawang evacuation centers.

“Una napakaganda ng relasyon ng LGU’s mga barangay, NGOs at mga rescue team maging ang Simbahan nagtutulungan lalo na at taon-taon naman ganito ang sitwasyon natin dito, dahil hindi lang tayo pag respond, nagsumikap na tayo, may communities tayong inihanda pero di pa ganun ganap sa pagsasanay sa mga tao lalo na mga vulnerable areas,” pahayag ni Fr. Basco sa panayam ng Radyo Veritas.

Tatlong bagyo ang pumasok sa PAR nitong Hulyo kung saan tinatayang nasa higit 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon, ilan dito ay mapaminsala gaya ng typhoon Yolanda na kumitil ng higit 7 libong buhay at 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan na naging dahilan ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa para personal na iparamdam ang awa at habag ng Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 25,007 total views

 25,007 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 36,012 total views

 36,012 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,817 total views

 43,817 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,363 total views

 60,363 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 76,084 total views

 76,084 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top