Higit pa sa Katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 137,845 total reads

Kapanalig, malayo na ang narating ng mga kababaihan sa ating bayan, pero malayo pa rin sila sa ideal – sa kaganapan ng kanilang pagkatao at sa pag-abot ng kanilang fullest potential bilang tao.

Marami mang Filipina ngayon ang namamayagpag sa iba ibang arena at karera sa loob at labas ng bayan, marami pa rin sa kanila ang nakukulong sa mga gender expectations at stereotypes, pati na rin sa pang-aabuso at karahasan.

Hanggang ngayon, kapanalig, base sa 2022 National Demographic and Health Survey, marami pa ring mga Filipina ang nabubugbog o sinasaktan sa kanilang sariling tahanan. Mga 18% pa rin sa ating mga kababaihan ang nakakaranas ng pisikal, sekswal, o emotional abuse mula sa kanilang mga partners. At sa mga sinasaktan, marami ang nagtitiis o nagtitimpi na lamang. 2 sa 5 babaeng nakakaranas ng karahasan ay hindi nagsusumbong o nanghihingi ng tulong.

Marami rin sa mga kababaihan natin, lalo na mga bata, ang nabibiktima ng gender at sexual violence. Tinatayang mga dalawang milyong bata ang biktima ng online sexual abuse and exploitation sa ating bansa.

Marami ring mga batang Filipina ang hindi naabot ang kanilang potensiyal dahil sa maagang pag-aasawa at pagbubuntis. Prevalent pa rin ang child marriage dahil umaabot sa 286,000 o mga 5.6% ng mga Filipinang may edad 15 to 19 ay may asawa na o kinakasama. Marami rin ang nagiging batang ina. Tumaas ngayon ng 35% ang total live births sa mga babaeng may edad 10 to 14.

Ang mga ganitong isyu kapanalig, ay malaking hadlang sa tunay na kasulungan ng kababaihan sa ating bayan. Marami mang pagbabago na ating nagawa para sa kalayaan at progress ng Filipina, hanggat hindi natin nabibigyan ng solusyon ang karahasan sa kababaihan, ang child marriages, at teenage pregnancies, dehado pa rin sila. Wala dapat maiiwan kapag development at equality ang usapan.

Targeted interventions ang kailangan dito, kapanalig. Ang karahasan at pang-aabuso sa kababaihan, halimbawa,  ay sensitibong usapin na kailangan ng urgent action dahil ang babae ay binibiktima at kadalasan ay walang lakas ng loob para magsumbong o humingi ng tulong, lalo pa’t ang mga taong dapat nag-aaruga sa kanila ay siyang kanilang mga abusers. Ang teenage marriages at pregnancies naman ay sensitibo din, at nangangailangan ng komprehensibo at agarang pagkilos, gaya ng information dissemination, education, at support.

Kapanalig, ang mga ganitong isyu ng kababaihan ay labag sa kanilang karapatang mamuhay ng malaya, masaya, at may dignidad. Hindi lamang ito ukol sa katarungan, kundi sa pagmamahal sa kapwa, kahit ano pa ang kanyang kasarian. Ang isang kristiyanong lipunan na tunay na nagmamahal sa kanilang mga kapwa ay hindi dapat pumapayag na may kahit sinong miyembro nila ang nakakaranas ng pang-aapi. Sabi nga sa Gaudium et Spes, love goes beyond what justice can achieve.

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,972 total reads

 9,972 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,217 total reads

 65,217 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 150,582 total reads

 150,582 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,319 total reads

 197,319 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,191 total reads

 245,191 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,946 total reads

 345,946 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,218 total reads

 65,218 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 150,583 total reads

 150,583 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,320 total reads

 197,320 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,192 total reads

 245,192 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top