VeritasPH

The Word, The Truth

Higit sa disiplina at pagkamakabayan

SHARE THE TRUTH

 363 total views

Mga Kapanalig, pagkatapos ng eleksyon noong Mayo 9 at nang malinaw na kung sinu-sino ang mga nanalo sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo, umingay ang usap-usapang gagawin nang mandatory muli ang ROTC (o ang Reserve Officers’ Training Corps).

Ito kasi ang isa sa mga plano ng bagong bise-presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte na tinanggap ang pagiging kalihim ng Department of Education (o DepEd) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Noong panahon ng kampanya, sinabi niyang imumungkahi niya ang pagbabalik ng ROTC kung saan ang mga Pilipinong edad 18 pataas ay kailangang mag-military service. Bagamat itinanggi niyang ito ang magiging prayoridad ng DepEd sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, sinabi niyang panahon nang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kailangan daw nating humubog ng bagong henerasyon ng mga kabataang “disciplined and patriotic”, may disiplina at pagmamahal sa bayan. Ang mga ito raw ang katangiang dapat taglay ng mga kabataan ngayon upang maging katuwang ng gobyerno sa pagkakaroon ng mapayapa at maunlad na bansa.

Disiplina at pagkamakabayan nga ba ang kulang sa ating mga kabataan ngayon?

Kung babalikan ang mga pagsusuring ipinagawa ng World Bank, sinasabing 80 percent o walo sa sampung batang Pilipino ang hindi nakakaalam ng mga bagay na dapat nilang nalalaman. Isa sa bawat apat na estudyante sa Grade 5 ang walang reading at mathematics skills na dapat natutunan nila noong sila ay nasa Grade 2 o 3. Apat sa limang estudyanteng edad 15 naman ang hindi nauunawaan ang mga basic mathematical concepts katulad ng fractions at decimals, mga bagay na dapat alam na nila noong Grade 5 sila.

Sa 79 na bansang kasali sa Program for International Student Assessment (o PISA) na sumusukat sa dunong ng mga estudyanteng 15 taong gulang sa reading, math, at science, pangalawa sa dulo ng listahan ang Pilipinas. Sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS), kulelat din ang Pilipinas sa listahan ng 58 bansa kung ang pag-uusapan ay ang dunong sa math at science ng mga nasa Grade 4. Gamit ang mga datos na ito, sinabi ng World Bank na mayroon tayong krisis sa edukasyon sa Pilipinas. At maaari pa itong lumala ngayong patuloy ang COVID-19 pandemic.

Marami at malalalim ang dahilan kung bakit mababa ang performance ng ating mga mag-aaral sa reading comprehension, math, at science. Hindi kaya ang mga ito ang dapat tutukan ng DepEd kung naniniwala tayong ang mga Pilipinong may pinag-aralan ay mga produktibong mamamayan? Hindi natin sinasabing hindi mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina at pagmamahal sa bayan, ngunit may mas kritikal na mga problema ang sektor ng edukasyon sa ating bansa. Sabi nga sa Catholic social teaching na Populorum Progressio, ang basic education—na sa Pilipinas ay ang tinatawag ngang K-12—ay pangunahing salik ng anumang planong pangkaunlaran. Ang kagutuman sa edukasyon ay kasintimbang ng kagutuman sa pagkain, at kung walang maayos na edukasyon ang mga tao, mahirap makamit ang kaunlarang pakikinabangan ng lahat.

Dahil hindi naman mula sa sektor ng edukasyon ang bagong bise-presidente, makatuwang sana niya ang mga mahuhusay na guro at educators sa pagbubuo ng mga programang tutugon sa krisis natin sa edukasyon. Totohanin din sana niya ang sinabi niyang hindi magiging prayoridad ang pagbabalik ng ROTC na maaaring kumuha pa ng malaking pondo sa budget ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, wika nga sa Ecclesiastes 9:18, “Ang karunungan ay makapangyarihan kaysa sandata ngunit ang isang pagkakamali ay nagbubunga ng malaking pinsala.” Kita naman natin kung gaano napapahamak ang ating bansa kapag ang mga mamamayan ay walang sapat na edukasyong magbubukas sa kanilang mga mata at isipan. Huwag na sana itong magpatuloy pa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 5,860 total views

 5,860 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 21,846 total views

 21,846 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 29,891 total views

 29,891 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 34,971 total views

 34,971 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 40,677 total views

 40,677 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 5,861 total views

 5,861 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 21,847 total views

 21,847 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 29,892 total views

 29,892 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 34,972 total views

 34,972 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 40,678 total views

 40,678 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,492 total views

 44,492 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,417 total views

 41,417 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,731 total views

 55,731 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,421 total views

 59,421 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,024 total views

 58,024 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,011 total views

 68,011 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,979 total views

 71,979 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,866 total views

 82,866 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,305 total views

 95,305 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 106,063 total views

 106,063 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top