426 total views
Hindi maaring ihiwalay ang pananampalataya sa bawat gawain maging sa pulitika
Ito ang inihayag ni Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. dahil bahagi ng pananampalataya ay ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa na siyang pangunahing tungkulin sa pulitika.
‘Sa lahat ng bagay kailanman, saan man e kinakailangan Kristiyano pa rin tayo,” ayon kay Bishop Bacani.
Paliwanag pa ni Bishop Bacani;‘Kung mahal natin ang ating kapwa tao, turo ng ating pananampalataya gawin mo ang makakatulong sa kaniya, hindi lang sa ilang gawain kundi pati sa pulitika. Hindi lang yung nagdarasal kundi kahit pag bumoboto ka gawin mo ang makatutulong sa kapwa mo.
Giit ng obispo na sa pagboto bilang krisitiyano tungkulin din ng bawat isa na isaisip ang kapakanan ng kapwa gayundin din ang paghahangad ng posisyon sa pamahalaan.
kaya’t hamon ng obispo sa bawat kandidato at mga botante na ang kahalagahan ng halalan ay ang layunin na kabutihan hindi sa sarili kundi sa kapakanan ng mas nakakarami.
Ang pahayag ng obispo ay bahagi ng One Godly Vote campaign ng Radyo Veritas bilang pagbibigay gabay sa mga botante para sa nalalapit na 2022 national and local elections.
Si Bishop Bacani ay mapapakikinggan tuwing Martes sa programang Barangay Simbayanan sa paksang ‘Pulitika at Pananampalataya.