VP Duterte, natatanging Bise-Presidente na mayroong confidential funds

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,010 total views

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Impeachment Court, tumestigo ang isang auditor ng Commission on Audit o COA na nagsabing si Vice President Sara Duterte lamang ang kanyang na-audit na Bise Presidente at kalihim ng Department of Education o DepEd na tumanggap ng confidential funds.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni State Auditor Roderick Wamil na sa panahong nakatalaga siya sa Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO) ng COA mula 2014 hanggang 2024, sina dating Vice Presidents Jejomar Binay at Leni Robredo ay walang confidential fund appropriation.

“Dahil po since nung nag-assume po ako nung 2014 sa ICFAU, wala pong naging appropriation for confidential funds si dating Vice President Binay at si dating Vice President Robredo. Tanging si Vice President Sara Duterte lang po yung nagkaroon ng appropriation for the confidential funds,” tugon ni Wamil sa pagtatanong ni Counsel for Prosecution Atty. Lorna Kapunan.

Ayon kay Wamil, tanging ang Office of the Vice President sa ilalim ni Duterte ang nakatanggap ng confidential funds sa panahong siya ang nagsasagawa ng audit.

Sinabi rin ng auditor na si Duterte rin ang nag-iisang kalihim ng DepEd na kanyang na-audit na may confidential funds, na wala rin sina dating Education Secretaries Armin Luistro at Leonor Briones.

Batay sa kanyang audit, sinuri ng COA ang ₱500 milyong confidential funds ng Office of the Vice President mula 4th quarter ng 2022 hanggang 3rd quarter ng 2023, gayundin ang ₱112.5 M confidential funds ng DepEd para sa unang tatlong quarter ng 2023.
Pamantayan sa paggamit, pag-audit ng confidential at intelligence funds

Binigyang-diin din ni Wamil na mahigpit na sinusunod ng COA ang mga patakaran sa paggamit, accounting, at pag-audit ng confidential funds dahil pera ito ng taumbayan at may panganib na magamit sa hindi tamang paraan.

Ipinaliwanag ng auditor ng COA sa pagdinig na ang lahat ng confidential funds ay dumaraan sa compliance post-audit, kung saan sinusuri kung kumpleto ang mga dokumento at kung ang paggasta ay naaayon sa umiiral na batas at mga alituntunin.

“We follow strict compliance since what is involved ay public funds, so dapat strict ’yung accounting and auditing rules to prevent ’yung misuse ng fund,” ayon kay Wamil.

Dagdag pa ng testigo, “Ine-evaluate po namin kung ’yung disbursements ay properly supported with complete documents as required by the applicable rules and regulations, and if ’yung disbursements po ay hindi illegal, hindi irregular or hindi improper.”

Ipinaliwanag ni Wamil na ginagamit ng COA bilang batayan ang Joint Circular No. 2015-01, na nagtatakda ng mahigpit na pamantayan sa paggamit at pag-audit ng confidential at intelligence funds.

Ayon pa sa kanya, maaari lamang gamitin ang confidential funds sa mga layuning may kaugnayan sa seguridad at kapayapaan, kabilang ang pangangalap ng impormasyon, confidential operations, at pagbibigay ng reward sa mga impormante na nakatutugon sa itinakdang
mga kondisyon.

Ipinaliwanag ni Wamil na hindi naman maaaring gamitin ang naturang pondo para sa suweldo, allowance, representasyon, consultancy, entertainment expenses, o pagpapatayo at pagbili ng mga gusali, maliban kung pinahihintulutan ng batas.

Bahagi ang testimonya ni Wamil sa paglalatag ng ebidensya ng House prosecution kaugnay ng audit sa ₱500 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at ₱112.5 milyong confidential funds ng Department of Education.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,500 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 24,071 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 50,387 total views

 50,387 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 122,279 total views

 122,279 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 153,561 total views

 153,561 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 185,577 total views

 185,577 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 335,158 total views

 335,158 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top