Pagkuha sa likas yaman ng Pilipinas, hindi dapat tunay na layunin ng Pax Silica project-CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,197 total reads

Nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na tiyaking ang panukalang Pax Silica Project ay magiging daan sa pangmatagalang pambansang kaunlaran at hindi lamang sa pagkuha ng likas na yaman ng Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag, kinilala ng CEAP ang malaking potensyal ng proyekto na palakasin ang papel ng Pilipinas sa pandaigdigang industriya ng semiconductors, artificial intelligence (AI), renewable energy, at advanced manufacturing.

Ayon sa samahan, maaari itong makahikayat ng US$40 hanggang US$70 bilyong pamumuhunan at lumikha ng mahigit 130,000 dekalidad na trabaho para sa mga inhinyero, siyentipiko, mananaliksik, at iba pang skilled workers.

Gayunman, iginiit ng CEAP na hindi sapat na sukatin ang tagumpay ng proyekto batay lamang sa dami ng trabaho o laki ng pamumuhunan.

“The project’s long-term success should not be measured solely by investment commitments or employment figures. A legitimate concern raised by many sectors is that the Philippines could eventually surrender more than it gains if finite natural resources are extracted while much of the economic value, technological expertise, and downstream manufacturing remain abroad. ” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Binigyang-diin ng samahan na kailangang matiyak na ang Pax Silica sa Pilipinas ay magsisilbing pundasyon ng technology transfer, research and development, advanced manufacturing, at workforce development, sa halip na manatiling simpleng raw materials na iniluluwas sa ibang bansa.

Nagbabala rin ang CEAP kaugnay sa pag-aalinlangan ng publiko dahil sa mga nakaraang proyektong nangako ng kaunlaran ngunit nauwi sa pagkasira ng kalikasan at kakulangan ng benepisyo sa mga komunidad.

“Public resistance to the Pax Silica Project should therefore be understood within this broader context. Many Filipinos have witnessed extractive projects that promised economic progress but resulted in environmental degradation, insufficient community benefits, weak regulatory enforcement, or limited local industrial development, making public skepticism both understandable and legitimate.” Dagdag pa ng CEAP.

Giit ng samahan, hindi dapat balewalain ang mga pag-aalala ng taumbayan sapagkat nakaugat ito sa mga nakalipas na karanasan na nakaapekto sa buhay at kabuhayan ng maraming mamamayan.

“These concerns should not be dismissed as opposition to development but recognized as important questions about intergenerational equity, environmental sustainability, and national economic strategy.” Ayon pa sa CEAP.

Dahil dito, nanawagan ang samahan para sa higit na transparency, makabuluhang partisipasyon ng publiko, independent environmental monitoring, patas na benepisyo sa mga komunidad, at malinaw na polisiya sa local processing at value-added industries.

Iginiit din ng CEAP na ipinapakita ng karanasan ng ibang bansa na ang pinakamalaking pakinabang mula sa mga strategic minerals ay nakakamit kung ang isang bansa ay namumuhunan sa innovation, manufacturing capability, skilled human capital, at matatag na mga institusyon, at hindi lamang sa pagmimina.

Bilang mga Katolikong tagapagtaguyod ng edukasyon, iginiit ng CEAP na ang tunay na pag-unlad ay dapat magtaguyod ng pangangalaga sa kalikasan, pananagutan sa mga susunod na henerasyon, at kabutihang panlahat upang ang mga biyaya ng likas na yaman ay maging daan sa makatarungan at inklusibong pag-unlad ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 166,076 total reads

 166,076 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 196,211 total reads

 196,211 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 230,334 total reads

 230,334 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 286,740 total reads

 286,740 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 39,746 total reads

 39,746 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top