Para sa isang smartphone?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 318,842 total reads

Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone?

Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50 milyong social media followers niya kamakailan. Magpapa-raffle daw siya ng 100 smartphones sa 100 niyang followers. Pero may isang kondisyon: kailangang i-follow ang social media page ng online gambling platform na ineendorso niya. Hindi nagtagal, naging viral ang video at umabot ito sa mahigit 280 milyong views, mahigit 8 milyong reactions, at mahigit 7 milyong comments.

Maaaring isipin ng ilan: anong masama sa pag-follow sa social media page ng isang casino kung bagong cellphone ang magiging kapalit? Lisensyado rin naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (o PAGCOR) ang naturang online casino, kaya hindi naman iligal sumali sa raffle, ‘di ba?

Ang bawat “follow” o “like” sa social media page ng isang online gambling platform ay tumutulong para mas lalo pa itong makita ng mas maraming tao, kasama ang mga bata. Dahil sa paraan ng paggana ng mga algorithm sa social media, mas madalas na lalabas sa ating feeds ang mga katulad nitong nilalaman. Unti-unti nitong ginagawang ordinaryong libangan ang pagsusugal online. Pero maraming pag-aaral na ang nagpapakitang ang pagsusugal ay maaaring humantong sa pagkabaón sa utang, matinding stress at mental health issues, pagkasira ng pamilya, at pagkalulóng sa sugal na mahirap nang takasan.

Dito lalong nagiging mahalaga ang papel ng mga influencers. Kamakailan ngna, kinilala pa bilang “Best Public Service Show” ang programa ng social media influencer na endorser din ng online gambling. Kapag ganito kalaki ang impluwensya ng isang personalidad, mas malaki rin ang pananagutan niyang gamitin ang kanyang plataporma nang may pag-iingat.

Hindi maliit ang problema ng pagsusuggal. Ayon sa PAGCOR, umabot na sa mahigit 32 milyon ang tinatawag na electronic gaming players sa Pilipinas. Tinatayang mahigit 100 bilyong piso ang kinikita ng pamahalaan mula sa online gambling kada taon. Gayunman, kinikilala rin mismo ng PAGCOR ang panganib nitogaya ng iresponsableng pagkaubos ng pera, pinansyal at emosyonal na paghihirap, pagkasira ng pamilya, at matinding kalungkutan. Sinasabi ng gobyernong hinihigpitan nito ang ilang online gambling services, kabilang ang pagtanggal ng in-app gambling access sa ilang mobile payment applications. Naglunsad din ang PAGCOR ng National Problem Gambling Helpline upang magbigay ng libreng counseling sa mga dumaranas ng gambling addiction. 

Pero sapat na ba ang mga ito kapag nalulong na sa online gambling ang isang tao?

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) para sa mas mahigpit na aksyon laban sa online gambling. Inilarawan nila ang pagsusugal online bilang isang ”morál at panlipunang krisis“ at nagbabaláng isa na itong bagong virus na sumisira sa mga tao, pamilya, at lipunan. Dagdag pa ng CBCP, kasalanan ang pagsasamantala sa kahinaan ng mga tao para lamang kumita, lalo na kung mga kabataan at mahihirap ang pangunahing naaapektuhan.

Paalala rin sa atin ng Lucas 12:15: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Kapag ang perang dapat sana ay pambili ng pagkain, pambayad ng kuryente, o pampaaral ng mga anak ay napupunta sa pagsusugal, magdurusa ang buong pamilya.

Mga Kapanalig, hindi dapat maging kapalit ng pagkakataong manalo ng isang smartphone ang pagpapakita ng suporta sa online gambling. Kasabay ng malaking impluwensya ay malaking pananagutan. Gamitin sana ng mga influencers na may milyun-milyong followers ang kanilang plataporma sa tunay na mabuti sa halip na gawing pangkaraniwan ang isang gawaing kayang sumira ng buhay. Hindi lahat ng ligal ay tama, kaya hindi natin dapat hayaang maging normal ang online gambling dahil kinabukasan ng maraming Pilipino ang maaaring maging kapalit nito.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,353 total reads

 20,353 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,480 total reads

 20,480 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,812 total reads

 36,812 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,218 total reads

 93,218 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,719 total reads

 216,719 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,298 total reads

 300,298 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,813 total reads

 36,813 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,219 total reads

 93,219 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,720 total reads

 216,720 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top