Bagong luklok na obispo ng Diocese of Urdanete, pinayuhang maging malapit sa sambayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,400 total reads

Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, sa pagluklok kay Bishop Nick Vaquilar bilang ikaapat na Obispo ng Diocese of Urdaneta.

Binigyang-diin ng nuncio na ang isang obispo ay tinatawagan upang maging tunay na pastol na kasama ng kaniyang kawan sa paglalakbay ng pananampalataya.

“In that synodal process, the bishop walks with his people. He speaks to his people. He leads his people. He listens to his people. He loves his people. And he keeps the caravan together and on the path that leads to its destination,” ayon kay Archbishop Brown.

Dagdag pa ng kinatawan ng Santo Papa, ito ang diwa ng isang synodal Church na patuloy na itinataguyod nina Pope Francis at Pope Leo XIV, kung saan ang obispo ay hindi lamang namumuno kundi nakikinig, nagmamahal at nakikilakbay kasama ng mga mananampalataya.

Iginiit din ni Archbishop Brown na hindi maaaring maging epektibong pastol ang isang obispo kung hindi ito malapit sa kanyang nasasakupan.

Ipinaliwanag din ng nuncio ang mahalagang papel ng obispo sa buhay ng Simbahan bilang tagapagbigay ng sakramento ng orden sa mga pari na siyang nagdiriwang ng Eukaristiya.

“The bishop ordains priests. Without priests, there is no Eucharist. Without the Eucharist, there is no sacramental life in the Church,” aniya.

Samantala, sa kanyang mensahe , inilahad ni Bishop Vaquilar ang direksiyong tatahakin ng kanyang paglilingkod bilang bagong pastol ng diyosesis.

Inihalintulad niya ang kanyang misyong pastoral sa makasaysayang tornaviaje ni Andrés de Urdaneta, ang rutang nagbigay-daan sa ligtas na pagbabalik ng mga manlalayag sa kanilang mga tahanan.

“As your bishop, I believe that I have been called to help people find their way home—not to another country, but to God,” ayon kay Bishop Vaquilar.

Tiniyak din ng bagong obispo ang kahandaang makinig at makilakbay sa halos isang milyong mananampalataya sa diyosesis.

“As I begin my ministry among you, I come not with all the answers, but with a listening heart. I come with two ears ready to listen, two hands willing to serve, and one heart that desires to love this diocese as Christ loved His Church,” giit ni Bishop Vaquilar.

Binigyang-diin ni Bishop Vaquilar na hangad niyang makasama ang buong diyosesis sa paglalakbay ng pananampalataya bilang isang tunay na sambayanang sinodal na sama-samang nagdarasal, naglilingkod at naglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos.

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Bishop Vaquilar bilang ikaapat na obispo ng Urdaneta noong May 3, kapalit ni Bishop Emeritus Jacinto Jose, na nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age ng isang obispo at matapos ang mahigit dalawang dekada ng paglilingkod sa diyosesis.

Nagbuklod ang may 29 na obispo para sa installation at canonical possession ni Bishop Vaquilar sa Immaculate Conception Cathedral sa Urdaneta City, kung saan nakatuwang ni Archbishop Brown sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, at Bishop Jose.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,083 total reads

 21,083 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,210 total reads

 21,210 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,980 total reads

 37,980 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 94,386 total reads

 94,386 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,887 total reads

 217,887 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 301,403 total reads

 301,403 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top