Sino ang dapat hindi “one-sided”?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 276,925 total views

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte sa búhay ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, may pakiusap si Senator-Judge Robin Padilla: “Sana hindi one-sided ang ating prosecution.”

Nag-ugat ang apelang ito ng senador sa pagkuha daw ng prosekusyon ng mga testigong may kinakaharap na kaso at kuwestiyonableng kredibilidad. Nang araw na iyon, nakaupo sa witness stand si NBI Director Melvin Matibag, kasunod nina NBI Senior Agent Mark Calilung at NBI Regional Director Jeremy Lotoc na tumestigo noong mga nakalipas na linggo. Sabi ng senador, may mga nakabinbing perjury case ang mga taga-NBI; ang perjury ay isang krimen ng sadyang pagsasabi ng kasinungalingan habang nakasumpa (o under oath) sa harap ng opisyal na may awtoridad na tumanggap ng sinumpaang salaysay. Paliwanag naman ng prosekusyon, napatunayan nilang walang nakabinbing mga kaso laban sa mga testigong inimbitahan mula sa NBI. 

Nahirapan lang siguro si Senador Padilla na ipaliwanag ang kanyang punto, pero mabilis na naging usap-usapan ang kanyang pakiusap. Tandaan natin: mandato ng prosekusyon sa isang impeachment trial na patunayang guilty ang akusado. Natural na one-sided sila kasi sila ang tagausig sa taong inirereklamo. Nakatuon sila sa paglalatag ng mga ebidensya, kabilang ang testimonya ng iimbitahan nilang mga testigo. Trabaho naman ng defense na ipagtanggol ang kanilang kliyente, bantayan na napoprotektahan ang karapatan niya, at magpakita ng tinatawag na reasonable doubt. Sabi nga ng House lead prosecutor na si Batangas Representative Gerville Luistro, ang impeachment trial ay “adversarial” o likás na magkakabangga ang magkabilang panig. 

Sino ang dapat hindi one-sided

Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat na nasa gitna. Bilang miyembro ng impeachment court, nanumpa silang maging patas at walang kikilingan. Ang kanilang magiging desisyon ay dapat alinsunod sa Konstitusyon at sa mga batas ng bansa, hindi sa kanilang katapatan sa isang tao o pamilya. Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat hindi one-sided.

Sa itinatakbo ng impeachment trial, marami ang nakapapansing hindi maitago ng ilang senator-judges ang kanilang pagiging biased o pagiging may kinikilingan. Sa halip na busisiin ang mga ebidensyang inihaharap sa kanila at himayin ang mga testimonyang naririnig nila, nagmimistula silang parte ng defense team ni VP Sara. Hinaharang nila ang paglalabas ng desisyong ipa-subpoena ng impeachment court ang financial at tax records ng bise presidente. Inililihis nila ang usapan palayo kay VP Sara tungo kay PBBM. May mga pagkakataon pang pinupuri nila ang defense team. Sa mga ganitong nakikita ng publiko, hindi maiwasang magduda ng ilan kung may saysay pa ba ang impeachment trial. Alam naman na raw natin kung sino ang boboto para ipawalang-sala si VP Sara.

Malayo man sa sikmura, ‘ika nga, ng mga ordinaryong Pilipino ang nagaganap na impeachment trial, may pangmatagalang epekto ito sa ating buhay. Dito nasusubok kung matatag ba ang ating mga sistema para panagutin ang mga lider nating gumagawa ng mali at umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Kung walang impeachment, magpapatuloy ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at malayang makapagbabanta sa buhay ng mga tao ang mga nasa posisyon. Ang mga ito dapat ang laging isinasaisip at isinasapuso ng ating mga senator-judges, hindi ang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga padron sa pulitika o ang pagkapit sa mga maimpluwensyang magpapanalo sa kanila sa eleksyon.

Mga Kapanalig, akmang paalala sa ating mga senador na tumatayong hukom ngayon ang mga salitang ito sa Mga Kawikaan 24:23: “Hindi dapat magtangì sa pagpapairal ng katarungan.” Nakasalalay sa Senado kung paiiralin nila ang katarungan o kung titiklop lang ito sa mga pulitikal na interes at magiging one-sided.

Sumainyo ang katotohanan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,285 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 19,594 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 42,029 total views

 42,029 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 114,801 total views

 114,801 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,083 total views

 146,083 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 178,099 total views

 178,099 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 328,259 total views

 328,259 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 42,030 total views

 42,030 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 114,802 total views

 114,802 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,084 total views

 146,084 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 178,100 total views

 178,100 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top