PAX Silica project, hindi pa done deal-Malakanyang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,356 total reads

Hindi isinara ng Malacañang ang posibilidad na magkaroon ng pagbabago sa Pax Silica Project, kasunod ng panawagang ipahinto ito dahil sa pangamba sa suplay ng tubig, kuryente, at kakulangan umano ng konsultasyon sa mga lokal na komunidad.

Sa ginanap na press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, pinag-aaralan pa ng pamahalaan ang lahat ng isyung may kaugnayan sa proyekto.

“Actually, kaya nga po ito ay inihahainan ng ating pamahalaan patungkol sa Bak silica, dahil kung sino man po yung ibang mayroong issue, tungkol sa di umano magiging problema sa supply ng tubig, sa supply ng kuryente, lahat pong ito ay isinasaalang-alang ng pamahalaan,” ayon kay Castro.

Ipinaliwanag ni Castro na isinasaalang-alang ng gobyerno ang mga usapin sa suplay ng tubig at kuryente, kaya hindi pa pinal ang pagpapatupad ng proyekto.

Dagdag pa ng opisyal ng Malacañan, “May chance po na mabago ang iba mga provisions. Kung ano po yung maaaring mas maging magandang idulot sa ating mga kababayan, sa Pansang Pilipinas, and of course, sa mga partners, yun naman po ay isasaalang-alang.”

Una na ring binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kaniyang State of the Nation Address ang Pax Silica bilang bahagi ng Luzon Economic Corridor.

Ayon sa Pangulo, layunin ng Pax Silica na makahikayat ng mga mamumuhunan, makalikha ng de-kalidad na trabaho, at suportahan ang pag-unlad ng industriya ng artificial intelligence (AI) sa Pilipinas.

Ang Pax Silica ay isang pandaigdigang inisyatiba na sinasabing para sa seguridad ng ekonomiya na pinangungunahan ng Estados Unidos. Inilunsad ito noong Disyembre 2025 upang tiyakin ang matatag na suplay ng mga teknolohiyang mahalaga sa artificial intelligence (AI), semiconductors o microchips, at critical minerals na kailangan sa paggawa ng makabagong teknolohiya.

Noong Abril 2026, sumali ang Pilipinas sa koalisyon at nangakong maglaan ng 1,600 ektaryang lugar sa New Clark City bilang isang AI-native industrial acceleration zone o sentrong nakatuon sa pagpapabilis ng pag-unlad ng mga industriya at pamumuhunang may kaugnayan sa AI at iba pang makabagong teknolohiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,841 total reads

 131,841 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,913 total reads

 174,913 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,671 total reads

 224,671 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,865 total reads

 383,865 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,936 total reads

 404,936 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top