Hindi pagkakapantay-pantay sa gitna ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 734 total views

Mga Kapanalig, “inequality is the root of social evil.” Sa Filipino: ang hindi pagkakapantay-pantay ang ugat ng kasamaang panlipunan.

Mga salita iyan ni Pope Francis noong 2014 na higit na matingkad ngayon sa ating bayan sa gitna ng nagpapatuloy pa ring pandemya ng COVID-19. Kitang-kita naman natin kung gaano katindi ang hirap na patuloy na pinagdaraanan ng mga kababayan nating nawalan ng hanapbuhay. Bagamat unti-unti na ngang nagbabalik ang ilang negosyo, nananatili pa ring malaki ang bilang ng mga walang trabaho sa ating bansa. Nasa 8.7% ang unemployment rate sa huling pagtataya ng pamahalaan; katumbas ito ng 3.8 milyong Pilipino. Dagdag pasanin pa sa mga mahihirap ang mataas na presyo ng mga bilihin at pamasahe.



Sa tindi ng pinagdaraanan natin ngayon, hindi natin masisisi ang ilan nating kababayang dumiskarte para lamang may maidagdag sa gastusin ng kanilang pamilya. Nakalulungkot nga lamang na dahil pa rin sa umiiral na community quarantine, hindi pinahihintulutan ng pamahalaan ang ilang gawain kahit pa ang simpleng paglalakô sa lansangan. Kinukumpiska ang mga panindang nakalatag sa mga bangketa o nakaharang sa daan. At may mga pagkakataon pang dahas ang ginagamit ng awtoridad upang ipatupad ang mga patakarang nagbabawal sa mga itinuturing na sagabal sa lansangan. Nakita ninyo marahil ang video kung saan isang tindero sa Parañaque ang pinadapa, hinawakan ang leeg at mga paa, ipinosas, at sinipa sa mukha dahil pinipigilan niya ang mga nagpapatupad ng clearing operations na makuha ang kanyang kariton. Agad na pinagmumulta, pinarurusahan, at minsan at hinuhuli pa sa kaunting paglabag.

Ngunit mukhang ibang usapin na kapag mga mayayaman at mga nasa poder ang hindi sumusunod sa mga patakaran. Pinapayagan silang lumabas at mag-party o magbakasyon nang walang suot na mask, at mag-mass gathering nang walang physical distancing. Katwiran nila, sumailalim naman sila sa swab test at tiniyak na negatibo silang lahat bago magkasiyahan. (Alam kaya nilang kulang na kulang pa rin ang kapasidad natin sa pagsasagawa ng swab testing? Alam kaya nila kung gaano kahirap para sa mahihirap na magpa-swab test—na hinihingi sa ilang nagbabalik-trabaho—dahil hindi nila ito kayang bayaran?)

Kapag nahuli naman ang mga mayaman at maimpluwensya na lumalabag sa mga health protocols, mabilis nilang ikakatwirang “tao lang” sila at nagkakamali. Ang iba naman, nagpapalusot na ang pagpa-party nila ay nakatutulong sa turismo ng lugar na pinagdausan nila ng kasiyahan. Binibigyan pa sila ng pagkakataong ibigay ang kanilang panig at mapag-usapan ang paglabag na kanilang ginawa.

Isa itong halimbawa ng hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan ngayong pandemya. Ito ang tunay na social distancing, ang malawak na agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap. Ang mahihirap, lumalabas ng kanilang tahanan dahil kailangan nila—kailangan nilang maghanapbuhay upang mapakain ang kanilang pamilya.  Ang mayayaman, lumalabas dahil gusto lang nila—lumalabas sila upang magkaroon ng maluhong bakasyon o party, at maipagpatuloy ang kanilang marangyang pamumuhay.

Ang nakalulungkot, ang pamahalaang dapat na nagpapatupad ng batas nang patas, mukhang may pagkiling sa mga ‘ika nga’y nakatataas sa lipunan. Nagiging instrumento sila ng hindi pagkakapantay-pantay, at samakatuwid, ginagatungan nila ang kasamaan sa ating lipunan—ang “social evil”, sabi nga ni Pope Francis.

Mga Kapanalig, ang ginagawang ito ng pamahalaan ay para bang nahahawig sa babala sa Santiago 2:1-4 tungkol sa pagtatangi: “Kung may pumasok sa inyong kapulungan na isang lalaking may mga singsing na ginto at nakadamit nang magara, at dumating din doon ang isang dukha na gusgusin ang damit, at inasikaso ninyong mabuti ang nakadamit nang magara at sinabi sa kanya, ‘Dito kayo maupo,’ at sinabi naman ninyo sa mahirap, ‘Tumayo ka na lang diyan,’ o kaya’y, ‘Sa sahig ka na lang umupo,’ nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 37,773 total views

 37,773 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 49,851 total views

 49,851 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 69,263 total views

 69,263 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 80,383 total views

 80,383 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 84,308 total views

 84,308 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 37,774 total views

 37,774 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 49,852 total views

 49,852 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 69,264 total views

 69,264 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 80,384 total views

 80,384 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 84,309 total views

 84,309 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 67,323 total views

 67,323 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 63,721 total views

 63,721 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 63,330 total views

 63,330 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 86,157 total views

 86,157 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Arkitektura at Kultura

 100,586 total views

 100,586 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Urbanisasyon at Kaunlaran

 116,458 total views

 116,458 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 136,405 total views

 136,405 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanselado na ang PAREx!

 140,497 total views

 140,497 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalbaryo ng mga maralita

 85,801 total views

 85,801 total views Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw. Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ocean Health

 92,263 total views

 92,263 total views Summer na kapanalig, at halos lahat tayo sa beach na nais magpunta. Ang karagatan ang pangunahing destinasyon ng maraming Pilipino. Sa ating pag-eenjoy sa beach ngayong tag-init, naisip ba natin kahit minsan ang “ocean health”? Ang karagatan ay napakalawak na katawang tubig na umaakap sa maraming barangay, bayan, at bansa. Sa katawang tubig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top